Paano ninyo malalaman kung meron kayong matatanggap na BONUS? Dec. 07, 2017 (Thu), 705 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Since mainit ang usaping BONUS now at marami ang nagtatanong kung bakit sila ay hindi nakakatanggap nito, ito po ang best way para malaman ninyo kung meron ba kayong matatanggap na BONUS.
Meron mga regular employee na walang bonus, at meron ding mga hindi regular employee ang nabibigyan ng BONUS dito sa Japan. Ang most of all, hindi MANDATORY ang pagbibigay ng BONUS ng mga company sa kanilang employee. Naka depende po yan sa inyong pinirmahang WORKING AGREEMENT bago kayo mag-start ng work sa inyong employer or company.
So, kung gusto nyong malaman kung meron kang BONUS or wala, check ninyo ang WORKING AGREEMENT ninyo. Sa part na 賞与 (SYOUYO) or BONUS, meron dapat nakalagay don kung ilang beses kang makakatanggap ng BONUS every year. Mostly 2 TIMES po ang nakalagay dyan. At nilalagay nila kung kelan nyo ito matatanggap. Mostly ay 夏 (NATSU) Summer, and 冬 (FUYU) Winter.
Sometimes nilalagay din nila kung mga magkano ang amount na maibibigay. Sometimes nilalagay nila dyan ay 基本給 2.3ヵ月分 (2 to 3 MONTHS BASIC SALARY), depende sa inyong magiging agreement.
Now, kapag nakalagay sa inyong WORKING AGREEMENT na meron kayong dapat na matanggap, at wala silang ibinigay sa inyo at alam nyo naman na hindi nalulugi ang company ninyo, its a violation of WORK CONTRACT AGREEMENT at pwede kayo mag-reklamo.
So kung gusto nyong makatanggap ng BONUS during SUMMER and WINTER season, its all on your negotiation sa employer or company ninyo bago kayo mag-start ng work sa kanila. Makipag-negotiate kayo kahit na part time, or haken syain man kayo, upang meron kayong matanggap. The important thing is dapat na mailagay sa kasulatan sa WORKING AGREEMENT ang lahat upang meron kayong laban.
Sometimes meron mga company or employer na hindi nagbibigay talaga ng BONUS sa mga part timer or haken syain lalo sa mga freshman, pero after 1 YEAR or 2 YEARS at nakitang maganda ang naging performance ninyo, sila na mismo ang maghahaing bigyan kayo upang hindi mawala ang isang employer na maganda ang performance na tulad ninyo. So its all in your negotiation skill sa employer na willing to hire you. Wala kayong matatanggap kung mananahimik kayo, so try to make a negotiation with them as possible.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|