malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Intl Driving License, kinakuha ng mga Chinese sa Pinas para makapag-drive sa Japan

Apr. 07, 2018 (Sat), 1,189 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Ayon sa news na ito from Nikkei, dumarami sa ngayon ang mga incident here in Japan kung saan ang mga Chinese tourist ay nabibisto na kumukuha ng fake international driving license sa Pinas upang makapag-drive here in Japan.


Marami sa ngayon ang nabibisto ng mga rent-a-car shop na bumibisita sa kanila na mga Chinese tourist na gustong manghiram ng kuruma upang mag-drive lalo na sa Okinawa at Hokkaidou area.

By law, ang mga Chinese tourist here in Japan ay hindi pwedeng mag-drive dahil ang driving license nila at ang kanilang bansa ay hindi kasali sa Geneva Convention which govern the international driving license standard.

Subalit ayon sa ginawang investigation ng Okinawa government, umaabot sa 11% ng mga Chinese tourist na bumisita sa lugar nila ay nakahiram ng kuruma at nakapag drive dito sa Japan.

Isa sa mga case na kanilang nabisto ay noong nakaraang February. Meron isang Chinese tourist in family group ang pumunta sa isang ren-a-car shop upang manghiram ng kuruma at pinakita nya ang kanyang driving license na na-issue sa Pinas. Subalit ng kanilang check ang travel history nito, wala syang history na pumunta sya ng Pinas kahit isang beses kung kayat hindi nila ito pinahiram dahil malaki ang possibility na fake ang kanyang license. Meron mga three or more cases every week silang nai-encounter na tulad nito ayon sa news.

Sa pag-iinvestigate nila, nakita nila sa mga homepage ng mga travel agency sa China na meron mga ads about sa pagkuha ng international driving license sa Pinas at pwede nila itong makuha kahit na hindi sila pumunta sa Pinas para actual na mag-drive.

Ipapadala lang nila ang kailangang mga information at pwede na silang makakuha ng international driving license na ini-issue ng Philippine government. Merong mga travel tour na naka-package na rin ito kung kayat marami sa ngayong mga Chinese ang madaling nakakakuha ng nasabing license kahit na hindi sila pumunta ng Pinas.

Ayon naman sa ibang rent-a-car company, meron mga company sa Pinas na madaling process ito ng mahigit 2 weeks lang. Sa halagang 4 to 5 lapad lamang, mabibigyan na nila kayo ng valid license sa Pinas a t kasama na rin ang International driving license ayon sa news.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.