First batch Pinoy careworker scholars, pumasok na sa Okinawa Sep. 29, 2018 (Sat), 1,495 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Tulad ng naibalit na namin dito sa Malago tungkol sa scholarships na ito before, dumating na sa Okinawa noong September 27 ang first batch ng Pinoy careworkers scholars na lima katao at sila ay sinalubong sa Naha airport ng mga namamahala sa program na ito.
Ang limang Pinoy ay nakatakdang mag-aral muna ng Japanese language, then saka papasok sa Kaigo Senmongakkou (Careworker School). Habang sila ay nag-aaral, sila ay mag-aarubaito din sa mga careworking facility sa Okinawa upang magkaroon agad ng experience. Ayon sa isang Pinoy na nakilalang si レオノラ・デスヨさん (LEONORA DESUYO), 31 years old, gagawin daw nya ang lahat ng kanyang makakaya upang makapag-bigay ng support sa nasabing work.
Para hindi maging pabigat sa mga first batch na scholars na ito ang financial aspect sa kanilang pamumuhay dito sa Japan, ang kanilang pamasahe at first month expenses ay sasagutin ng mga facility na tatanggap sa kanila. Then sa tuition fee naman, ito ay sasagutin ng Ministry of Labor bilang loan subalit maaaring hindi nila ito bayaran kung sila ay magtatrabaho ng more than 5 years sa Okinawa bilang careworkers.
Plano ng 沖縄県外国人介護事業協同組合 (Okinaw-aken Gaikokujin Kaigo Jigyou Kyodou Kumiai) na magpapasok ng 20 to 25 pang Pinoy next March 2019, at nais nilang ipag-patuloy ito taon-taon upang magkaroon ng solution ang kanilang kakulangan sa manpower sa caregiver.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|