10 YEARS, needed to apply Permanent Visa (PV) for Working Visa holders May. 16, 2017 (Tue), 1,674 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
If you are working here in Japan and holding a WORKING VISA now, at gusto nyong mag-apply ng PERMANENT VISA someday, you need to work 10 years here ng tuloy tuloy at walang palya. Ito ay para sa mga hindi high skilled labor at normal lang na nagtatrabaho dito sa Japan. Hindi 8 years or 9 years kundi 10 or more years ang dapat. Below than this, kadalasan ay deny agad ang binibigay ng immigration or probably di po nila tatanggapin ang application ninyo.
Para mabigyan ng PERMANENT VISA ang isang WORKING VISA holder, meron tatlong important na bagay na titinitingnan ang immigration upang maaprobahan ang isang applicant nito.
Una ay ang ang tinatawag nilang 国益適合要件 or 日本国の利益 which means, makakabuti ba sa kapakanan ng Japan ang pagiging PERMANENT VISA holder ng isang applicant. Meaning kung ang isang applicant ay hindi naman makakatulong sa Japan, hindi mabibigyan ito ng PV. At ang proof para dito ay ang pagtrabaho nya ng 10 or more years here in Japan na tuloy tuloy. Meaning tuloy tuloy ding nakapag bayad ng tax at mga insurances.
Pangalawa ay ang pag-uugali ng isang applicant, kung naging good citizen ba sya here sa Japan, walang nalabag na batas at walang ginawang something illegal. Nakakatulong din dito ang pagiging active ng isang applicant sa community kung saan sya nakatira. Kung nakikisali sya sa mga activity, mga volunteer group ay malaki ang naitutulong sa evaluation ng immigration.
Pangatlo ay ang kakayahan ng applicant na mamuhay dito sa Japan o ang financial stability nito. Tinitingnan dito ang annual salary ng isang applicant kung ito ay sapat ba para sa araw-araw na pamumuhay nya dito sa Japan kasama ng kanyang mga dependents kung meron man.
Upang makasiguro kayo, mas makakabuti na mag-consult muna sa immigration office kung eligible na kayong mag-apply ng PV kung kayo ay working visa holder now. Sasabihin nila sa inyo kung OK na at bibigyan kayo ng list of documents na dapat ninyong ihanda para sa application.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|