malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Ano ang mga kailangang documents sa pag-apply ng Seikatsu Hogo benefit?

Jan. 19, 2015 (Mon), 1,203 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



After the consultation with the CASE WORKER of Seikatsu Hogo and they give you a permission to apply for it, now is the time na prepare mo ang mga kinakailangang documents for the application.


Para sa mga kinakailangang documents, no need to worry about it dahil ituturo rin sa inyo ang lahat ng ito ng inyong CASE WORKER pati na rin kung saan nyo kukunin ang mga ito, at kung paanong mag fill-up ng mga kailangang information. For your orientation about it, ito ang list ng mga needed documents.

SEIKATSU HOGO APPLICATION FORM
This is the first document you need to prepare. Isusulat mo here ang inyong address, pangalan, kung meron kayong other support benefit or wala, family structure, at ang reason ninyo kung bakit kayo nag-apply.

SYUUNYUU SHINKOKUSYO (INCOME/EARNINGS DECLARATION)
This is the documents you need to submit para makita ang income or earnings status ng inyong buong family at present situation. Maging ang work man ninyo is part time lang or arubaito or nagta-trabaho sa mga club, you need to disclose it all.

SHISAN SHINKOKUSYO (ASSET/PROPERTY DECLARATION)
This is the documents naman na magpapakita kung meron kayong mga property or ari-arian at present situation. Kasama dito ang life insurance, bank account, present cash na hawak ninyo, house and lot at iba na dapat ninyong declare.

DOUISYO (LETTER OF CONSENT)
This is the document na kailangan nyong ipasa rin na syang nagpapatunay na pumapayag kayo sa gagawing investigation sa inyo ng CASE WORKER na syang hahawak ng application ninyo. They will investigate you na maaaring isama ang ilang privacy ninyo kaya bago nila ito gawin, they need your consent or pumapayag kayo sa gagawin nila.

INKAN (SEAL)
As you know that most signature na nilalagay nila sa mga documents is not in written form, you need also na maghanda ng INKAN or HANKO which is known as SEAL. This is the one you will use to sign some papers or documents you need to on your application.

Ang investigation na gagawin ng mga CASE WORKER ay magiging in details, kaya be prepare that you will open it all to them at wala kayong itatagong anuman. It may sound na pati ang privacy life nyo ay mahahalungkat din nila, subalit kung kayo talaga ay nangangailangan now at kailangan nyo ng support, the Japanese government itself is recommending those people na mag-apply nito.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.