malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Sino-sino ang mga hindi pwedeng mag-apply ng Specilized Skill Visa dito sa Japan?

Apr. 08, 2019 (Mon), 5,005 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Sa pag-umpisa ng bagong visa policy ngayong April para sa mga 特定技能1 TOKUTEI GINOU 1 (Specalized Skill 1), hindi rin basta-basta makakapag-apply ang kahit na sinoman dito dahil meron mga taong hindi tinatanggap ng immigration.


Ayon immigration office at sa mga website ng ilang immigration lawyer dito sa Japan ang mga sumusunod ay hindi accepted sa pag-apply ng bagong visa na ito.

Ito ay ang mga short term visa holder (tourist visa, family visit visa, etc.), mga dating student visa holder na natanggal na sa school, mga dating trainee na nag-runaway sa kanilang mga working post dati, mga refugee applicants at mga trainee visa holder na on-going pa rin ang trainee sa ngayon.

Ang mga short term visa holder (visa with 3 months below period) ay hindi allowed ng immigration sa pag-apply ng nasabing bagong visa policy dahil need din nilang ipasa ang skill at Japanese language examination. It will takes time at kukulangin ang hawak nilang visa period para magawa ito.

Kung nais ninyong mag-apply nito, kinakailangan daw na mag-apply kayo mismo sa bansang pinanggalingan nyo at dapat dumaan sa screening ng ahensya na syang merong responsibility sa bansa ninyo.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.