Requirements of Re-application of Loss Residence Card (RC) Mar. 10, 2019 (Sun), 2,820 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Tulad ng alam ng nakakarami dito, ang visa ng bawat foreigner dito sa Japan ay hindi na nilalagay nila sa hawak ninyong passport, ito ay nakalagay na sa hawak ninyong RC. So kapag ito ay nawala, magiging malaking problem para sa may-ari nito dahil wala na syang panghahawakang document na nagpapatunay ng kanyang status of stay dito sa Japan.
So in case na mawala, manakaw o mawaglit nito ang inyong RC habang nandito kayo sa Japan, ito ang dapat ninyong gawin upang ma-apply ninyo muli ito sa pinakamalapit na immigration branch office kung saan kayo nakatira dito sa Japan.
First, remember na rule ng immigration na kailangang mai-report ninyo ang pagkawala ng inyong RC within 14 days matapos na malaman ninyo ang pagkawala nito. Second, walang payment na dapat kayong bayaran kung mag re-apply kayo ng RC. And third, maibibigay nila sa inyo ang bagong RC ninyo at the day na mag re-apply kayo nito.
At the time na mawala ang RC ninyo dito sa Japan, ang unang dapat ninyong gawin ay mag-report sa pinakamalapit ng kouban sa lugar ninyo upang magpasa ng 遺失届 (ISHITSU TODOKE) Loss Report or 盗難届 (TOUNAN TODOKE) Robbery Report. Need ninyong gawin ito upang makakuha ng certificate na nagpapatunay na talagang nawala ang inyong RC na syang ipapasa ninyo sa immigration sa pag re-apply ng RC.
Para sa mga kailangang requirements ng RC RE-APPLICATION, ito ay ang mga sumusunod:
1. Application Form
2. Picture (Size 40mx30mm, walang suot na sombrero, clear, walang background, latest picture taken, and applicant below 16 years old is not needed)
3. RC Loss Report Certificate (Makukuha ninyo sa kouban or police box kung saan kayo nag-report.)
4. Passport (Kung hindi nyo maipapakita ang passport ninyo, need ng katunayan ng dahilan kung bakit hindi nyo ito maipakita.)
Para sa detalye ng application, pwede kayong pumunta sa immigration at magtanong directly.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|