malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Alam nyo ba ang meaning na napapaloob sa Driver License Number dito sa Japan?

Dec. 30, 2019 (Mon), 838 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Tulad ng Passport, Residence Card at Credit Card, ang driver license dito sa Japan ay meron ding unique number na ginagamit upang ma-identify ang holder nito.


Ang driver license dito sa Japan ay meron unique number na naglalaman ng ibat-ibang information, tungkol sa holder nito. Ito ay binubuo ng 12 digits number at ito ay hindi random na ginagawa lamang ng isang computer.

Kung kayo ay meron driver license dito sa Japan, maaaring tingnan nyo ito habang binabasa nyo ang article na ito, upang malaman nyo ang meaning ng driver license number ninyo. So subukan po nating himayin ang mga number na ito at kung ano ang meaning nya mula sa left side ng driver license number.

First & Second Digit (2 DIGIT) - Ang two digit na ito ay code ng 公安委員会 (KOUAN IINKAI) or Public Safety Commission na nag-issue ng inyong first driver license card. Kung sa Tokyo nyo nakuha ito, ang code ay 30 at kung sa Osaka naman, ito ay 62. Ito ay hindi daw nababago. So kahit na lumipat kayo ng lugar at kumuha or nag-renew ng license nyo, pareho pa rin ito.

Third and Fourth Digit (2 DIGIT) - Ang two digit naman na ito ay nangangahulugan ng YEAR kung kelan na issue ang unang driver license ninyo. So kung year 1992, ito ay 92, at kung year 2010 naman, ito ay 10.

Fifth to Tenth Digit (6 DIGIT) - Ang digit naman na ito ay unique number generated by Public Safety Commission sa bawat holder ng driver license. Hindi daw nila sinasabi kung ano ang meaning ng digit na ito.

Eleventh Digit (1 DIGIT) - Ang digit naman na ito ay CHECK DIGIT na tinatawag nila para malaman kung meron error sa data na nailagay sa computer system.

Twelveth Digit (1 DIGIT) - Then for the last digit, ang digit naman na ito ay nangangahulugan kung ilang beses nyong nawala ang inyong driver license. Hindi daw kasama dito yong pag re-issue ng inyong driver license kung nasira ito. In case na umabot daw sa sampong beses ito, hindi 10 ang isusulat kundi 1 daw.

As you can see, ang driver license number ninyo dito sa Japan ay hindi nagbabago simula sa FIRST DIGIT nito hanggang sa ELEVENTH DIGIT nya. Ang last digit lamang or 12th DIGIT nya ang maaaring mabago in case na nagpa re-issue ulit kayo dahil sa pagkawala nito.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.