Paano ang computation ng binabayarang KAIGO HOKEN? Dec. 22, 2017 (Fri), 845 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Kung kayo ay sakop ng SECOND DIVISION MEMBER ng KAIGO HOKEN na ang age ay nasa 40 to 64 years old at member ng KENKOU HOKEN (HEALTH INSURANCE), then malaki ang possibility na nagbabayad kayo ng inyong contribution sa insurance system na ito, at kung working kayo sa isang company, sa ayaw at gusto nyo, ibabawas nila ito automatically sa inyong SALARY monthly.
Actually ang amount na inyong binabayaran dito ay kasabay ng inyong binabayaran sa inyong KENKOU HOKEN (Health Insurance). Do you ever wonder kung paano ang computation nila sa KAIGO HOKEN na binabayaran natin here in Japan? Here it is.
Kung kayo ay member ng KOUSEI KENKOU HOKEN sa inyong company, ang computation ng inyong binabayarang KAIGO HOKEN ay napaka-simple lamang. Ito ang EQUATION ng computation nila na ginagamit.
KAIGO HOKEN CHARGE = STANDARD MONTHLY SALARY * KAIGO HOKEN RATE
Kung ang STANDARD MONTHLY SALARY mo ay 20 lapad, ang magiging KAIGO HOKEN CHARGE mo ay bale magiging ganito.
KAIGO HOKEN CHARGE = 200,000 YEN * 0.0165 = 3,300 YEN / 2 = 1,650 YEN
Ang mako-compute ninyong KAIGO HOKEN CHARGE ay mahahati dahil ang kalahati nito ay babayaran ng inyong employer or company, at ang kalahati namin ay kayo ang magbabayad. Ang KAIGO HOKEN RATE na (1.65%) ay ang rate na ginagamit now ng isang HEALTH INSURANCE UNION here in Japan used in the computation.
Para sa explanation ng mga parameters na nabanggit sa taas, ito po ang explanation naman dito. Ang STANDARD MONTHLY SALARY or 標準報酬月額 (HYOUJUN HOSYUU GETSUGAKU) in Japan ay ang pinaka salary bracket kung saan pumapasok ang inyong monthly salary. Ang KAIGO HOKEN RATE or 介護保険料率 (KAIGO HOKENRYOURITSU) ay ang RATE na ginagamit ng mga KENKOU HOKEN (Health Insurance). Ito ay iba iba ang value depende sa sinasalihan nyo na KENKOU HOKEN Company or Union. Ito ay nababago every year at patuloy na tumataaas now. Nagiging iba rin ang amount na ito depende sa mga prefecture at hindi FIX ito.
So kung gusto nyong ma-compute ng tama ang binabayaran ninyong KAIGO HOKEN CHARGE monthly na makikita ninyo sa inyong SALARY SLIP, itanong nyo sa employer or company ninyo ang 標準報酬月額 (HYOUJUN HOSYUU GETSUGAKU) at 介護保険料率 (KAIGO HOKENRYOURITSU) ninyo. Then just calculate the amount using the equation above at divide nyo ito in two. You will get your contribution amount after that.
Remember na ang KAIGO HOKEN ay hindi lamang sa monthly salary ninyo nila binabawas. Binabawas din nila ito sa inyong mga BONUS na matatanggap mula sa inyong employer or company.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|