malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


50 Pinoy Housekeeper, papasok na ng Japan ngayong February

Feb. 06, 2017 (Mon), 1,511 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Ayon sa news na ito, papasok na ang 50 Pinoy housekeeper na syang magiging first batch ng mga housekeeper na papasok dito sa Japan starting this month of February. Ang 50 kataong ito ay total na bilang ng mga workers na na-hire ng apat na company sa Pinas, at sunod-sunod na papasok ngayong month of February.


Sila ay masasabak muli sa training dito sa Japan bago sila maging isang ganap ng housekeeper worker ayon sa news na ito. Naka-schedule silang dispatch sa Kanagawa at Osaka simula March.

Ang contents ng kanilang magiging trabaho dito ay limited lamang sa pagluluto, paglalaba, paglilinis, pamimili at pag-aalaga sa mga bata ng amo na kanilang pagsisilbihan ayon sa news na ito. Hindi nila sakop ang pagsi-sale at pag-aalaga ng mga matatanda na karaniwang ginagawa ng mga careworkers.

Ang mga papasok na workers here ay 18 years old above, meron more than 1 year na experience bilang housekeeper, meron basic understanding ng Japanese language at nakapag-training ng more than 200 hours. Sila ay makakapag trabaho dito sa Japan ng 3 years ayon sa news na ito.

Ayon sa mga company naman na nag-hire sa kanila, ang Duskin company ay planong mag-dispatch ng 4 katao sa Kanagawa at 4 din sa Osaka. Ang Pasona Company naman ay planong dispatch ang 25 katao sa Kanagawa prefecture. Ang Bears at Poppins company naman ay planong mag-lagay ng tig-limang tao sa Kanagawa. Ang Nichii company naman ay mag-hire din ng 30 katao at ito ay under processing na at plano nilang ipasok ito this coming summer season.

Ang mga papasok na mga kababayan nating housekeeper ay mga fulltime workers ang treatment sa kanila at hindi tulad ng mga Japanese na part time basis lamang. Bawal ang tumira sa bahay ng kanilang pagsisilbihan at sila ay matutulog sa mga dormitory provided by the company na nag-hire sa kanila. Ang salary nila ay magiging same sa mga Japanese employed by the company as the rule of the Japanese government. Responsible din ng company na mag-report sa government agency kung ano ang nagiging outcome ng mga workers na kanilang na-hire, and they will be audit once a year ayon sa news na ito.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.