Visa extension application, not possible kung wala na ang previous guarantor May. 02, 2017 (Tue), 1,717 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ito pa ang isang tanong na madalas naming matanggap dito mula sa mga Japanse Spouse Visa (JSV) holder na nakipag-divorce, mga STUDENT VISA holder na nag-stop sa kanilang pag-aaral at mga WORKING VISA holder na nag-stop sa kanilang trabaho.
Kapag sinabi mong Visa Extension Application or ZAIRYUU SHIKAKU KIKAN KOUSHIN SHINSEI in Japanese, it means na hindi mababago ang TYPE NG VISA na hawak mo, at ang apply mo lang ay baguhin ang validity period nito. Subalit paano ka makakapag-apply nito kung wala na ang previous guarantor mong Japanese partner, employer or school. So the answer here is IMPOSSIBLE para makapag-apply ka ng exntension ng visa mo. Since wala na rin ang guarantor mo, it means also na hindi ka na eligible para gawin ang activity na sakop ng visa mo which is to work, to study or being a spouse of a Japanese.
Kung gusto mo pa ring mag-stay here in Japan using the same visa na hawak mo now, you have to re-apply it bago mag-expire ang hawak mong visa. So meaning, kung JSV ang hawak mong visa, you need na maikasal sa panibago nyong magiging asawa para sya ang tumayong guarantor ninyo at mag provide ng mga kailangang documents. Kung working visa ka naman, you need to find a new employer. Same to student visa, you need to apply or enroll again to a school or take another course of study.
Isa pang way para manatiling makapag-stay ka here in Japan is to apply for CHANGE OF VISA STATUS. Meaning, mag-apply ka ng ibang type ng visa na iba sa hawak mo now. Kung JSV ang hawak mo now, maybe you can apply for WORKING VISA kung meron kang employer na willing to hire you. Or maybe STUDENT VISA kung gusto mo munang mag-aral.
These are the only way para makapag-stay kayo sa Japan kung kayo ay nawalan na ng guarantor sa hawak nyong present visa. Otherwise, you must go home in the Philippines, kung ayaw nyong maging overstayer dito.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|