malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Ano ang mga example cases ng illegal na pagtanggap ng Seikatsu Hogo benefit?

Jan. 28, 2015 (Wed), 1,378 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Sa ngayon marami ng nahuhuli na mga applicant na illegal na tumatanggap ng benefit na ito. Maraming mga cases at ang karamihan sa mga ito ay ang pagtago ng income or earnings ng isang applicant na kanyang natanggap at the time na tumatanggap sya ng monetary support.


By rules, ang anomang kinita or earnings ng isang applicant ay dapat nyang sabihin or report sa kanyang case worker dahil ito ay ibabawas sa biinibigay sa kanyang support at ang natitirang kulang lang ang dapat nyang matanggap. Subalit ito ay kadalasang hindi nila ginagawa lalo na kung sya ay nagkakaroon ng earning sa mga sumusunod na gawain ayon sa data ng Ministry of Labor.

- Income na natanggap in cash (Ito ang case na madalas na ginagawa ng mga kababayan natin lalo na kung sila ay nagta-trabaho sa gabi sa mga club dahil ang kinikita nila ay hindi rin nadi-declare ng club owner.)
- Income na pinapasok sa bank account ng ibang tao
- Income na kinita sa auction sa internet
- Perang natanggap mula sa support ng ibang tao or family
- Perang natanggap mula sa insurance contract cancelation
- Perang natanggap bilang bayad danyos sa accident na natamo
- Income na kinita sa stock market

Isa pa sa case na illegal na ginagawa lalo na ng mga underground organization ay ang tinatawag na Seikatsu Hogo Business kung saan meron silang isang facility na tinatanggap nila ang mga Seikatsu Hogo applicants kung saan dito nila ito pinapatira at pinapakain subalit halos kinukuha nila lahat ang benefit ng mga ito.

Meron ding mga cases na illegal na tumatanggap ng benefit ang isang applicant mula sa ibat ibang lugar at the same time. Dahil sa hindi pagsiyasat ng mga case worker ng mabuti, nakakalusot ang isang applicant na makapag-apply pa ng benefit na ito sa ibang city at pag naaprobahan, makakatanggap sya kahit na sya ay kasalukuyang tumatanggap na ng benefit na ito sa lugar kung saan sya nakatira.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.