Paano mabibisto ang mga illegal Seikatsu Hogo (SH) applicant under My Number system? Feb. 29, 2016 (Mon), 2,470 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Almost two months na now ang nakalipas mula ng mag-start ang implementation ng My Number system. Bago pa mag-umpisa ito, marami na ang naglabasang mga information against sa implementation ng system particularly ang mga tumatanggap ng SH benefit. Ang main reason ay sa kadahilanang marami ang mabibistong illegal na tumatanggap ng SH benefit na ito. Paano nga ba sila mabibisto gamit now ang My Number system?
Una, sa mga gumagawa ng double application ng SH benefit kung saan nag-aapply sila sa dalawa o higit pang lugar, halimbawa ay nag-apply sila sa Tokyo, then mag-apply pa sa Kumamoto Prefecture. Maraming mga nahuhuling nagsasagawa nito at madaling magawa dahil sa maraming mga Japanese ang magkakapareho ang pangalan, at kulang ang source ng mga care worker para mag-investigate bago pagkalooban ng SH benefit. Sa paggamit ng My Number kung saan isang unique 12 digit ito sa bawat isang tao, mahirap nang makalusot ang mga gagawa nito ayon sa kinauukulan.
Pangalawa, para naman sa mga nag-apply ng SH kahit na meron mga sapat na perang nakatago sa bangko, malabo na rin nila itong magagawa. Kung kayo ay mag-apply ng SH, isa sa mga SOP ng care worker ay check ang inyong financial status kung wala ba talaga kayong pera o meron. Ang ibang applicant ay meron talagang pera at kadalasang itinatago or naka deposit ito sa mga district bank o mga banko sa mga probinsya. Since mahirap itong ma-check ng careworker, madalas na nakakalusot ang isang applicant kahit na meron syang perang nakatago. Sa pag-implement ng My Number, they will connect it to your bank account. Ang schedule ng government about this ay by year 2018, they will start to tie it up ang My Number sa mga bank account. Then by year 2020, magiging mandatory na ito. So meaning, kahit na saang bank ka pa gumawa ng account at magtago ng pera, magiging madali na sa mga careworker na check ang financial status mo bago nila aprobahan ang SH application. So sa mga nagtatago ng pera na mga SH applicant, mahuhuli rin sila now ayon sa kinauukulan.
Pangatlo, para naman sa mga SH applicant na hindi nagsasabi ng totoo na meron silang kinikita at meron mga work, madali na rin kayong mahuhuli sa implementation ng My Number system. Sa pag implement ng My Number system, maraming mga nag-apela dito lalo na yong mga nagtatrabaho sa gabi sa mga club, omise, snack bar, etc. sa kadahilanang mabibisto sila hindi lamang sa meron silang extra income na kinikita, kundi sa mga company na pinagtatrabahuan nila. Sa mga first class club katulad sa Ginza at Roppongi, marami ditong mga nagtatrabaho na Japanese na sa umaga ay mga Office Lady (OL) at sa gabi naman ay mga hostess para kumita ng extra income. Sa pag start ng My Number system, marami ngayon ang nagsipag hinto dahil sa ayaw nilang mabisto at matanggal sa company where they are working now.
Paano naman mabibisto ng care worker ng isang SH applicant kung meron syang work at income na pumapasok talaga lalo na sa mga nagtatrabaho sa mga omise or club. Sa ngayon, isang duty ng isang worker na mag-report talaga sa Tax Agency about sa naging income nila every year at ito ay hindi duty or obligation ng isang omise owner. Ito ay ginagawa sa tinatawag na KAKUTEI SHINKOKU. Subalit maraming mga workers sa omise ang hindi ginagawa ito at itinatago nila. Sa pag implement ng My Number system, magiging obligation now ng mga club or omise owner na report sa tax agency ang mga My Number info ng bawat hostess o taong nagta-trabaho sa kanila. Ito ay kasama nilang isusulat sa SHIHARAI CHOUSYO (支払調書) or PAYMENT RECORD na kanilang dapat submit sa Tax Agency. Kapag hindi nila ito ginawa, maaaring matanggalan sila ng permit para mag-operate ng kanilang business. Dito ngayon magkakaroon ng record ang bawat individual na dati ay record lamang ng isang company or business owner. Once na merong pumasok kang record sa Tax Agency, madali nilang ma-trace now kung ikaw ay nagbabayad ng sapat na residence tax at kung hindi, ito ay kanilang iri-report sa mga local city hall na syang maniningil sa inyo. At kung ikaw ay isang SH applicant, dito malalaman agad ng inyong care worker na meron ka palang work at income na tinatanggap now at illegal kang tumatanggap ng SH benefit.
Pang-apat, para naman sa mga foreigner na under SH benefit pero madalas na umuwi ng bansa nila at hindi nila ito sinasabi sa kanilang mga care worker, madali na rin kayong mabibisto dahil ang My Number info nyo now is started to link in immigration. Inuumpisahan na rin ng immigration na kunin ang My Number info ng bawat foreigner under long term residence na nagpa-process ng visa now sa office nila and we also receiving some consultation about it. So kung under SH benefit kayo, expected na wala kayong financial stability subalit, kung madalas kayong umuwi, meaning meron kayong pera, at madali na rin kayong mabibisto ng inyong care woker dahil easy na sa kanilang check ang inyong travel record sa immigration office.
Its been two months pa lang ang nakakalipas since na mag start ang implementation ng My Number system. So wala pang mga nahuhuli na mga illegal na tumatanggap ng SH benefit simula nito. Subalit, they just started to gather and collect information ng bawat individual, and after 1 year or 2, don lang maglalabasan ang toto at walang ligtas dahil meron actual record silang panghahawakan now. So kung kayo ay isang SH benefit at alam nyo rin sa sarili nyo mismo na meron hindi tama sa ginagawa ninyo, better to stop it and tell the truth bago maging huli ang lahat.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|