malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Ano ang mangyayari kapag hindi kayo nagbayad ng KOKUMIN NENKIN?

Nov. 28, 2017 (Tue), 10,354 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



As of now, marami ding mga naninirahan dito sa Japan ang hindi nagbabayad ng KOKUMIN NENKIN kahit na meron silang sapat na pera para magbayad, sa pag-iisip na sayang lang ang ibabayad dahil wala naman silang matatanggap na sa pagtanda nila.


Sa mga nagtatrabaho sa kaisya or company, wala silang ligtas dahil automatic na ibabawas sa salary nila ang kanilang monthly contribution at ipapasok ito sa kanilang KOUSEI NENKIN. Pero sa mga hindi company employee at sa KOKUMIN NENKIN ang contribution, meron silang paraan para di makapagbayad buwan buwan.

Ano nga ba ang mangyayari kung hindi nagbabayad ng KOKUMIN NENKIN contribution ang isang mamamayan dito sa Japan? Ito ang maaaring mangyari sa inyo kung isa kayo sa mga ito. Basahin para malaman ninyo kung ano ang possible na mangyari at gawin ng mga local government.

Remember that the Japanese government has the right na kunin sa inyo ang dapat ninyong bayaran na contribution sa ayaw nyo man o hindi kapag alam nilang meron naman kayong perang pangbayad dito. Ito ang mga steps na ginagawa nila.

(1) 納付奨励 (NOUFU SYOUREI) PAYMENT NOTICE
In case na hindi kayo nagbabayad ng KOKUMIN NENKIN here in Japan ng mga ilang buwan na, magpapadala ng notice letter or card ang JAPAN NENKIN OFFICE sa address ninyo. Maaaring meron pumunta sa inyong individual na inatasan nila para mag-collect ng payment mula sa inyo tulad ng ginagawa ng NHK. Maari nila kayong bisitahin o tawagan.

(2) 最終催告状 (SAISYUU SAIKOKUJOU) FINAL NOTIFICATION LETTER
Kung alam ng local city hall na meron naman kayong pambayad subalit hindi nyo pinapansin ang payment notice na kanilang pinapadala sa inyo, at ito ay umabot na for more than 1 YEAR, magpapadala na sila ng FINAL NOTIFICATION sa inyo. Remember na ito ay final notification na nila sa inyo, so kapag di pa rin kayo gumawa ng action, maaaring madagdagan ang inyong babayaran at madagdag ang LATE PAYMENT CHARGE at dito na sila gagawa ng hakbang para makuha ang inyong ari-arian.

(3) 督促状 (TOKUSOKUJOU) DEMAND LETTER
In case na hindi nyo pa rin nabayaran ang inyong contribution after nilang padalhan kayo ng FINAL NOTIFICATION LETTER, ipapadala nila ang letter na ito bilang hudyat na gagawin na nila ang procedure sa pagkuha ng ilan ninyong ari-arian. At the same time, papadalhan din nila ng NOTICE ang ilang tao na kasama nyo sa bahay na maaaring magbayad din ng inyong contribution.

(4) 差押予告の通知 (SASHIOSAE YOKOKU NO TSUUCHI) SEIZURE NOTIFICATION
Kung hindi pa rin kayo nagbayad until sa period na binigay nila sa inyo sa DEMAND LETTER na pinadala, papadalhan na nila kayo ng notice kung kelan nila gagawin ang pagkumpiska sa inyong ari-arian na maaari nilang ibenta na syang magiging pambayad ninyo sa inyong KOKUMIN NENKIN contribution.

(5) 財産差し押さえ決行 (ZAISAN SASHIOSAE KEKKOU) SEIZURE EXECUTION
This is the actual seizure execution na kanilang gagawin base sa batas at wala kayong magagawa kundi ang sumunod sa kanilang gagawin na pagkuha ng inyong ari-arian.

Remember na it is not a wise thing to do ang hindi pagpansin sa mga pinapadala sa inyong NOTICE ng PENSION OFFICE. Kung kayo ay namamahalan at hindi nyo kayang bayaran ang inyong monthly contribution, pumunta sa kanilang office at kausapin sila upang hindi maipon ang mga month na hindi nyo nababayaran.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.