malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


How you can legally drive here in Japan?

May. 26, 2018 (Sat), 2,618 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



First topic that we want to discuss is kung paano makakapag-drive dito ng legal sa Japan. Ayon sa website ng Japan National Police Agency, meron three option na makakapag-maneho kayo here in Japan.


First option, is magkaroon ng valid and legal driving license here in Japan. Meaning dito nyo mismo kukunin ang inyong driving license under their regulations and policy. Of course this is the option na sinusunod ng mga Japanese, so ito rin ang dapat ninyong gawin kung gusto nyong mag-maneho dito sa Japan ng matagalan. We will discuss the details about it on the other topics coming.

Second option that you have upang makapag-drive kayo dito sa Japan ay magkaroon ng INTERNATIONAL DRIVING LICENSE (IDL). Kung ang isang foreigner ay meron hawak na driving license mula sa pinanggalingan nyang bansa, at ang license nyang hawak ay na-issue under Geneva Conventions, maaari syang makapag-drive dito sa Japan.

Sa ating mga Pinoy, ang IDL na nakuha sa ating bansa ay pwedeng magamit dito sa Japan at valid kayong makakapag maneho dito ng 1 YEAR lamang or hanggang sa validity ng inyong IDL kung wala na itong isang taon ang natitira.

Third option na binibigyan ng Japanese government ng permit na makapag-maneho dito sa Japan kahit na walang IDL na hawak ay ang mga foreigner na mula sa bansang Estonia, Switzerland, Slovenia, Germany, France, Belgium, Monaco and Taiwan. Ang mga foreigner na mula sa walong bansang ito na meron valid driving license mula sa kanilang bansa ay pwedeng makapag-maneho dito sa Japan ng legal. Kinakailangan lamang na meron Japanese Translation ang kanilang driving license upang makapag-maneho dito sa Japan.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.