Anong agency ang meron control ng My Number information? Nov. 24, 2015 (Tue), 1,042 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ang agency na syang nagko-control ng information tungkol sa My Number system ay ang JLIS (Japan Agency for Local Authority Information System). Ito ay tinatawag sa Japanese na 地方公共団体情報システム機構 (Chihou Koukyou Dantai Jouhou Shisutemu Kikou). Ang agency na ito ay simulang nabuo noong April 1 2014. Ang purpose and main obligation ng agency na ito ay pangalagaan ang mga information tungkol sa My Number at Juumin Kihon Daichou Network (Basic Residential Registers Network System).
Ang 12 digit numbers ng My Number na ibinibigay sa bawat individual is generated by the system of this agency at ipinapasa nila ito sa bawat local municipality. Ang agency rin na ito ang nagpapadala ng mga Notification Card ng ating My Number at sila rin ang responsible sa paggawa ng My Number ID Card dahil sa kanila rin naka address ang return envelop para sa application ng My Number ID Card.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|