Penalty sa mga illegal na tumatanggap ng Seikatsu Hogo (SH) Mar. 06, 2017 (Mon), 2,015 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Sa mga tumatanggap na kababayan natin ng SH dito sa Japan, be aware na meron ding nakalaang kaparusahan o penalty sa mga taong tumatanggap nito ng illegal. So make sure na yong pagtanggap nyo ba ng assistance na ito ay naayon ba talaga sa inyong pangangailangan at wala kayong nilalabag na rules tungkol dito.
Ayon sa law nila, ang penalty na nakalaan sa mga lumalabag or violators nito ay naaayon sa degree ng kanilang nagawang violations. Ang mga penalty na nakalaan dito ay ang mga sumusunod:
DEGREE 1: Pagtanggap ng SH benefit ng sobra-sobra sa pangangailangan
Kung kayo ay tumatanggap now ng SH na sobra-sobra sa inyong pangangailangan dahil sa hindi ninyo pagsabi ng totoo o pagtago ng mga information sa inyong case worker at the time of your application, o meron kayong work na nakakatulong sa inyong pamumuhay dito sa Japan subalit ito ay hindi sinasabi, kayo ay napapaloob sa violation na ito. Ang penalty na nakalaan dito ay kadalasang REPRIMAND at pagbalik ninyo ng halagang sobra sa dapati ninyong tanggapin. Makakarinig kayo ng mga strict advise mula sa inyong case worker, at kung mauulit pa ito, maaaring tuluyan na kayong tanggalan ng SH assistance.
DEGREE 2: Planadong illegal na pagtanggap ng SH assistance
Kung ang nagawa ninyong violation ay nalaman ng case worker na talagang sinadya ninyo at planadong planado, ito ay mabigat na violation at meron nakalaang mabigat na penalty din. Kadalasan na napaploob dito ay parang ginawa ng business ang SH para sa ikakabuhay nila at hindi na talaga gumagawa ng paraan para makahanap ng trabaho. Ang PENALTY na nakalaan dito ay (1) pagbalik ng natanggap na pera, (2) multang aabot sa 100 lapad, at (3) pagbayad ng violation charge na aabot sa 40% nang illegal na natanggap na halaga at (4) pagpapahinto ng pagbigay ng SH.
DEGREE 3: Malicious or willful misconduct
Kung ang naging violation naman ay talagang something very illegal at marami kayong violations na nagawa like for example ay nameke pa kayo ng documents, ng identity, at iba pa upang makakuha kayo ng SH assistance, ito ay napapaloob sa degree na ito. Ang PENALTY na nakalaan sa inyo ay lahat ng nabanggit sa DEGREE 2, then madadagdag ang kasong SAGI, at makukulong kayo ayon sa kanilang batas.
Ang mga nabanggit na penalty sa taas ay isang simple summary lamang at maaaring madagdag pa ang ilang kaparusahan depende sa nagawa ninyong violation at rules ng local government kung saan kayo tumatanggap ng SH. May mga local city na strict ang ginagawang pagbigay ng penalty sa mga violators lalo na kung walang masyadong fund ang mga ito. So make sure na ang pag-apply ninyo ng SH ay naaayon sa inyong pangangailangan at siguradohin na wala kayong anomang violations na nilalabag upang hindi kayo mabigyan din ng karapat dapat na penalty.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|