malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


4TH GEN Visa Implementation Policy (FINAL)

Mar. 30, 2018 (Fri), 1,676 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Sa pag-approved today March 30 ng Japan Ministry of Justice sa pagbibigay ng visa sa mga 4th generation starting JULY 1, 2018 to work legally here in Japan, ang mga sumusunod ang magiging policy for the application.


SINO-SINO ANG PWEDENG MAG-APPLY NG 4TH GEN VISA?
Ang pwedeng mag-apply ng visa na ito ay mga 4TH GEN lamang. Sila ang mga apo sa tuhod ng mga Japanese, meaning meron silang dugong hapon na hindi naninirahan sa ngayon dito sa Japan. Sa mga 4TH GEN na nandito na sa Japan at kasama ang kanilang parents na 3RD GEN, you are not included here.


ANO-ANO ANG MGA REQUIREMENTS NG ISANG APPLICANT?
Ang age ng isang 4TH GEN ay dapat 18 to 30 YEARS OLD lamang ang allowed. Meron alam na basic Japanese language (N4 LEVEL). Lalaki or babae man ay pwedeng mag-apply. Meron dapat magiging sponsor here in Japan side na kamag-anak, employer, NGO/NPO, volunteer group or any orgazation willing to become their supporter.

Walang criminal record sa country na pinanggalingan. Physically fit para makapag work pagdating here in Japan. Meron financial proof na makakabili ng sariling ticket pauwi, and willing to get a medical or health insurance pagpasok here in Japan. Sa pag-pasok nila here in Japan, hindi nila pwedeng maisama ang kanilang family.


ANO ANG VISA NA IBIBIGAY?
Ang visa na ibibigay para sa mga 4TH GEN na papasok here ay 特定活動 (TOKUTEI KATSUDOU) or DESIGNATED VISA. Five (5) years ang length ng visa na ibibigay subalit renewable every year. Sa pag-apply nito at naaprobahan, 1 YEAR VISA lamang ang ibibigay at pwedeng apply ng extension later.

Sa pag-apply ng visa extension, kinakailangang maipakita na nagkakaroon ng improvement sa Japanese language ang isang 4TH GEN at nasasanay na sa pamumuhay dito sa Japan.


ANO ANG RESPONSIBILITY NG ISANG SUPPORTER?
Ang isang supporter na kukuha sa 4TH GEN ay malaki ang magiging responsibility para makapasok ng Japan ang isang applicant. Sila mismo ang mag-aapply ng COE at magbibigay ng support sa pamumuhay nila dito.

Ang isang 4TH GEN applicant naman ay kinakailangang mag-submit ng report monthly sa supporter bilang patunay na meron silang direct contact dito. Kinakailangan ito sa pag-apply ng extension ng visa nila.


Sa pag-start ng application sa immigration, ginagawa nila sa ngayon ang guidelines para sa bagong visa na ito at kanilang ipapaalam muli sa publiko.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.