malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)




Policewoman, nagbulsa ng 154 lapad para meron pang-hosto (04/29)
2 taxi, naholdap bandang hatinggabi ng magkasunod sa Saitama (04/28)
Lalaki at babae, natagpuang patay sa loob ng kanilang apartment (04/28)
340 lapad cash nabawi mula sa lalaking nangholdap (04/27)
Working time limit ng student visa holder, maaring tanggalin o baguhin (04/27)


Obon Yasumi 2016

Aug. 08, 2016 (Mon)


Ang Obon Yasumi ay isa sa mga mahahabang holiday na matatawag dito sa Japan kung kayat isa ito sa mga hinihintay ng mga Japanese upang makapag pahinga ng mahaba at makapag refresh mula sa kanilang work. Kadalasan sa kanila ay umuuwi sa kanilang mga provinces, nagta-travel abroad, or pumupunta sa mga leisure facilties like pool, and beach. This is also the time na maraming mga matsuri na isinasagawa at nakikilahok sila dito.

Basically, ang ibig sabihin ng OBON ay isang pagdiriwang ng mga Japanese bilang pag-alala nila sa kanilang mga ancestors at mga pumanaw na mahal sa buhay. Ito ay katumbas sa "ARAW NG MGA PATAY" sa ating mga Filipino.

Sa taong 2016, ang OBON YASUMI ay mula AUGUST 13 hanggang AUGUST 16. Sa unang araw nito which is August 13, ito ang araw kung saan sinasalubong ng mga Japanese ang kaluluwa ng kanilang mga ancestors sa kanilang bahay or they welcome them. Sa August 16 naman, ito naman ang tinatawag nilang CEREMONIAL BONFIRE which is the final night of OBON kung saan nagpapaalam sila sa mga kaluluwa ng kanilang mga mahal sa buhay na dumalaw sa kanila.

Ang OBON YASUMI ay hindi national holiday kung kayat hindi ito RED CALENDAR here in Japan. This mean na ang mga public and government office, including banks is not close and commonly in business operation. Pati ang Immigration Office at Philippine Embassy Office ay bukas on this day maliban sa weekend.

Ang OBON YASUMI ay kadalasan kinukuha ng mga Japanese workers with proper approval mula sa kanilang mga superior. So masasabing hindi sila nagbabakasyon ng sabay-sabay. Sa taong ito, nag-umpisa na rin ang YAMA NO HI (Mountain Day) holiday which is on August 11. Since meron pasok ng August 12, inaasahang marami ang mag-apply ng leave for this day para maging mas mahaba ang vacation para sa mga kukuha ng OBON YASUMI nila next week.

Lastly, sa mga nagtatanong kung bukas ang Immigration at Philippine Embassy during OBON, bukas po sila at pwede kayong pumunta para gawin ang anomang legal matters na gusto ninyong lakarin during this period.