malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Fued




Lalaki, huli sa pananakit sa isang namatay na babae (12/11)
3 Pulis, kinasuhan sa pagbili ng child porno video (12/11)
Maingay na kapitbahay, sinaksak sa hita (12/10)
Anak, pinaliguan ng mainit na tubig, nanay hinuli (12/10)
Kapatid na babae, tinulak ng ate sa riles ng train (12/10)


Japanese mother, huli sa attempted murder laban sa 5 months old baby

Dec. 27, 2016 (Tue)


For your TAX REFUND (Income & Residence Tax), apply now at P&G Company Office.


Osaka Sakai City. Ayon sa news na ito, isang Japanese mother, age 29 years old ang hinuli ng mga pulis sa attempted murder charge matapos nitong tangkaing patayin ang sariling anak na 5 months old baby boy.

Nangyari ang incident noong December 18, napikon ang nanay sa ingay ng bata ng hindi nya mapatigil sa kakaiyak ang kanyang anak. Tinakpan nya ng kumot at mga futon ang mukha ng bata at dinaganan pa nya ng kanyang kamay upang hindi nya marinig ang iyak.

Napansin nyang hindi na maganda ang lagay ng bata kung kayat tumawag din sya agad sa 119. Ang bata ay halos wala ng hininga ng dumating ang mga emergency personnel, subalit nagawa pa nila itong mahagip sa kapahamakan at naka recover na ang bata sa ngayon.

Inaamin naman ng mother ang kanyang nagawa. Wala raw syang intention na patayin ito at nagawa lang nyang takpan ang mukha nito upang hindi marinig ang iyak ng bata ng kanyang mga kapitbahay at baka sya mapaghinalaang child abuse ang ginagawa nya dito ayon sa news.