malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)




Isang family, pinasok ang bahay at pinagtataga ng kanilang kapitbahay (09/24)
Tatlong bata nalunod sa ilog, isa namatay (09/24)
Father, huli sa child abuse charge laban sa 1 month old baby (09/23)
Kababayan nating Pinoy, formal ng kinasuhan dito sa Japan (09/23)
Teenager 14 years old, huli sa pananakit sa kanyang barkada (09/23)


Gumagamit ng fake Residence Card (RC) na nahuhuli, dumarami ang bilang

Aug. 20, 2015 (Thu)


SBI Remit, for faster remittance service to the Philippines.


Ayon sa news na ito, dumarami now ang bilang ng mga foreigner na nahuhuli na gumagamit ng pekeng Residence Card. Almost 3 years na now ang nakalipas mula ng ipairal ng Immigration ang bagong system ng RC. Last year 2014 lamang, merong 122 katao ang nahuli na almost doble sa bilang noong year 2013 at para sa year 2015 naman, mataas na rin ang bilang.

Ayon sa data, ang kadalasang nahuhulihan nila nito ay mga trainee na pumasok dito sa Japan. Mga tumatakas mula sa kanilang training area at para makapag-trabaho ng tuloy tuloy dito sa Japan, bumibili sila ng pekeng RC at ito ang pinapakita nila para makahanap ng work at bahay na uupahan.

Noong nakaraang buwan ng Mayo, meron anim na trainee na nahuli sa Gifu prefecture at parehong gumagamit ng pekeng RC. Ang apat sa kanila ay Chinese at 2 naman ay Indonesian. Lumabas sa investigation ng mga pulis na ang RC na hawak nila ay nakuha mula sa China at na-order nila lamang ito sa internet. Kung maorder mo ito na set na kasama ang passport, nagkakahalaga lamang daw ito ng 5 lapad. Mga 2 weeks lang ipapadala na via EMS ang pekeng RC card sa address nila dito sa Japan.

Ayon naman sa mga company employer at mga real state company, hindi nila malalaman kung fake ba o hindi ang RC na pinapakita sa kanila kung kayat nabibigyan din nila ito ng service or tinatanggap sa trabaho lalo na kung ang RC nila ay RC ng mga Permanent Visa holder kung saan nakalagay na walang limitation sa trabaho. Ang makaka-alam lang kung fake o hindi ito ay kung ang titingin ay mga pulis o immigration personnel.


For your TAX REFUND (Income & Residence Tax), apply now at P&G Company Office.