146 lapad, nakita sa tinapong mga basurang furniture (03/28) Reported stalker cases last year, umabot ng 19,843 (03/28) Thai-jin na babae, huli sa pag-smuggle ng droga (03/28) HIV infected last year in Japan, umabot sa 960 katao (03/27) AEON private brand top value producs, ibaba ng presyo (03/27)
Nursery teacher, pinasok sa bahay at sinaksak, patay Mar. 27, 2019 (Wed), 786 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Tokyo Suginami-Ku. Ayon sa news na ito, isang babae, age 32 years old, nursery staff ang pinasok sa loob ng kanyang tinitirahang apartment, sinaksak, at namatay. Nangyari ang incident kahapon March 26 bandang tanghali sa loob ng apartment sa lugar na nabanggit.
Ang babae ay sumigaw at nanghingi ng saklolo na narinig ng may-ari ng apartment na agad namang sumaklolo para tumawag ng pulis. Ang babae ay merong tama ng saksak sa left side ng kanyang dibdib mula sa likuran. Nakahandusay ito at nakabaon pa ang patalim ng sya ay isugod sa hospital, at ito ay namatay.
Ayon sa investigation ng mga pulis, ang lalaki ay pumasok mula sa bintana ng veranda ng apartment nya na nasa second floor. Binasag ng salarin ang salamin ng bintana nito upang mabuksan ang lock at makapasok. Ang biktima ay naka-suot pa ng coat nya kung kayat malaki ang possibility na nasa loob na ang salarin at inatake ang biktima pagpasok nya.
Magulo ang loob ng bahay at meron palatandaan na nanlaban ang babae bago ito nasaksak ng salarin. Nakita naman ng may-ari ng apartment ang isang lalaki na mabilis na tumakas mula sa apartment at maaaring ito ang salarin ayon sa mga pulis. Pinaghahanap nila ito sa ngayon ayon sa news.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|