Pinay, huli sa pagbibenta ng mga fake brand items (09/10) Lalaki, huli sa pagbibenta ng fake Rolex (09/10) Lalaki, huli sa panloloko sa bentahan ng ginto (09/09) Pinoy, nanakit gamit ang isang Japanese sword, huli (09/08) Chinese na lalaki, huli sa illegal na airport car service (09/08)
Pinay overstayer, nakakuha ng MyNumber Card at Japanese Passport, at nagawang makapag-pakasal pa Aug. 25, 2024 (Sun), 137 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa news na ito, hinuli ng Osaka police ang tatlong kababayan natin, matapos mapatunayang sabit sila sa kakaibang illegal activity na nagawa nila kung saan, ginamit nila ang kakaibang technique upang makakuha ng MyNumber Card at Japanese passport.
Ang case na ito ay nagiging usapin ng Japanese government dahil nakita ng mga kababayan natin ang way na maaaring makakuha ng Japanese legal document gamit lang ang MyNumber Card system.
Ang tatlong kababayan naman natin na sangkot dito ay hinuli sa magkakahiwalay na date simula noong March to May this year. Ang news na ito ay meron kahabaan, subalit i-translate ko po lahat para malaman ninyo ang story at result ng investigation.
Ito po ang story ng overstayer nating kababayang Pinay, kung saan nagawa nyang makakuha ng MyNumber Card, Japanese Passport, at nagawa pa nyang magpakasal at magpasa ng Marriage Application with her Pinoy partner.
Ang kababayan nating Pinay (let's call her "Jane" here), age 30 yrs old, ay nakapasok ng Japan noong November 2019, holding a short term visa, with the invitation ng kamag-anak nitong babae (lets call her "Amy" her), age 61 yrs old.
Alam ni Jane na di sya makakapag-stay ng matagal at makapag-trabaho sa visa nyang hawak, at kung mag-overstay sya, meron risk na mahuli, kung kayat nag-consult sya kay Amy kung ano ang magandang gawin.
Dahil dito, meron naisip na magandang idea si Amy at ito ay sinabi nya kay Jane. At ito ay ang mag-panggap na anak nya. Si Amy ay kasal sa isang Japanese na lalaki at meron din silang anak na babae, age 32 yrs old. Ang babaeng ito ay nasa Pinas lang simula ng bata pa sya at ito ay Japanese citizen din. Gamitin daw nya ang identity ng anak nya para makakuha ng mga Japanese legal documents.
Una nilang naisip ay makakuha ng MyNumber Card. Para makapag-apply nito, kailangan ang Notice mismo na pinapadala ng city hall, then isang document lamang kung meron picture ito like Driver License. Kung wala namang picture ay dapat dalawang legal document ang ipasa tulad ng Kenkou Hoken Card at Pension Booklet.
Ang anak ni Amy ng pumunta ito sa Pinas ay hindi nya binago ang address, at hindi sya nagpasa ng Transfer Report kung kayat ang Notice ng MyNumber Card application ay dumating sa kanya at meron na din itong Pension Booklet (Nenkin Techou). At this point of time, isang document na lang ang need nila para makapag-apply ng MyNumber Card.
Si Jane ay nagkasakit during her stay at wala itong Healt Insurance. Para makaiwas sa mahal na bayarin, gumawa sila ng fake 診察券 (Consultation Ticket) na naka-pangalan sa anak ni Amy. Since nasa kanila pa ang document, ito ang ginamit nilang pangalawang document, upang makapag apply ng MyNumber Card sa city hall.
Ipinasa nila ang MyNumber Card application nila before the end of year 2019. Then by January 2020, lumabas ang result at walang naging trouble or anomang hininging supporting document ang city hall, at nabigyan ng MyNumber si Jane na nakapangalan sa anak ni Amy, subalit ang picture ay kay Jane.
Matapos na makakuha ng legit na MyNumber si Jane, nag-apply din ito ng Japanese passport at nagawa nyang makakuha gamit ang name ng anak ni Amy. Gamit ang Japanese passport na ito, nagawa nyang makapag-travel labas pasok ng Japan ng ilang beses. Nagawa din nyang makapag-pakasal sa isang Pinoy bilang isang Japanese upang mabigyan din ng visa ito.
Subalit nabisto ang ginawa nila ng di nila inaasahang mag-apply ng Japanese passport ang anak ni Amy. Nagtaka ang mga kinauukulan kung bakit nag-aapply ito eh meron na syang Japanese passport na binigay nila. Dahil dito, they start the investigation at nabisto nila ang ginawa ng mga kababayan natin at hinuli ng magkakahiwalay.
Si Amy naman ay nahaharap din sa isa pang kaso kung saan illegal syang tumanggap ng Seikatsu Hogo benefit na umabot sa 90 lapad.
Ito ang pinaka-summary ng timeline ng mga pangyayari na ginawa ng mga kababayan natin base sa news.
- November 2019: Nakapasok ng Japan si Jane holding a short term visa
- January 2020: Nakakuha ng MyNumber Card si Jane then after that ay nakakuha din ng Japanese passport.
- June 2023: Nag-apply ng Japanese passport ang anak ni Amy at nabisto ang ginawa nilang illegal activity and started investigation.
- August 2023: Nagpakasal si Jane sa isang Pinoy, using the name ng anak ni Amy.
- March 2024: Nahuli ng Immigration si Jane habang ito ay nagtatrabaho sa Mie prefecture.
Kung bakit nagawa nilang makakuha ng MyNumber Card at Japanese passport ay isang malaking usapin lalo na sa mga local municipality dito sa Japan sa ngayon. Ang main cause daw dito ay ang kakulangan ng verification sa part ng personnel na tumanggap ng MyNumber application nila.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|