malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)




Kids Week, panibagong renkyuu na isasabatas ng Japan (05/23)
Dalawang magkasunod na snatching incident, nangyari na naman sa Saitama (05/23)
Convini, pinasok ng holdaper, 180 lapad natangay (05/23)
Convini, naholdap ng lalaki, 48 lapad natangay (05/21)
3 babae, tinangkang patayin ng isang lalaking may dalang gunting (05/21)


NPO (Non-Profit Organization) director, huli sa pandarambung ng Seikatsu Hogo (SH)

Jun. 29, 2015 (Mon)


Tokyo Hachiouji City. Ayon sa news na ito from Yomiuri, isang Japanese, male, 50 years old na director ng isang NPO organization ang hinuli ng mga pulis noong June 27 sa charge na illegal na pagkuha ng SH benefit sa local city hall.

Base sa investigation ng mga pulis, ang Japanese na ito ay director mismo ng Tokyo Support Center na nagbibigay ng support na matitirahan para sa mga SH beneficiaries. Gumawa sya ng fake na Authorization Letter para palabasin na binigyan sya ng authorization ng isang SH beneficiary na mag-apply at kumuha ng benefit na para sa kanya. Nakakuha sya ng mahigit 77 lapad mula sa Hachiouji City.

Inaamin ng director na ito ang charge laban sa kanya at ginamit nya raw ang pera sa alak at pagkain.