malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Fued
Carework




Shared Taxi in Tokyo, maaaring isagawa sa madaling panahon (01/22)
Mga company employee, pinakamaraming bilang ng tumatama sa Takarakuji (01/22)
Kidnapper ng isang high school girl, huli ng mga pulis (01/22)
Nanay, namatay sa pagsagip sa anak na tinangay ng alon (01/22)
Anak na lalaking teenager, nasaksak ang ama, patay (01/21)


12 years old, huli sa attempted murder sa Sapporo

Nov. 27, 2017 (Mon)


For your remittance services needs, apply now at Seven Bank Remittance.


Hokkaido Sapporo City. This is a follow up news tungkol sa isang incident kung saan sinaksak sa likuran ang isang babae ng di nakilalang salarin. Ayon sa news na ito, nahuli na ng mga pulis ang may kagagawan nito at ito ay isang batang lalaki, age 12 years old, Junior High School first year student.

Nakita sa CCTV footage ang salarin na sumusunod sa babaeng biktima at ng kanila itong siniyasat, nakita nila ang bata kahapon November 26 bandang tanghali sa loob ng isang mall na kapareho ang suot na damit kung kayat kanila itong tinanong. Umamin ito na sya nga ang may kagagawan kung kayat hinuli nila ito at dinala sa Child Consultation Center.

Lumabas sa pagsisiyasat nila na ang bata ay meron intention na manakit talaga ng tao ayon mismo sa pahayag nito. Ang biktimang babae naman na nasaksak sa likuran noong November 25 bandang 6PM sa kalsada ay malalim ang natamong sugat subalit ligtas naman ito sa kapahamakan ayon sa news.