malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)




Nanay at kinakasamang lalaki, huli sa pagpatay sa one year old baby (06/25)
Chikan suspect na lalaki, tumalon sa riles para makatakas (06/25)
Isang judicial scrivener huli sa charge na chikan (06/25)
Pinalabas na nagkasakit sa Pinas, huli sa health insurance sagi (06/23)
4 Vietnamese na lalaki na member ng akyat bahay, huli ng mga pulis (06/23)


Important information about Yama no Hi (Mountain Day) that you should know

Aug. 09, 2016 (Tue)


SBI Remit, for faster remittance service to the Philippines.


Ang Mountain Day ay ang bagong National Holiday na nadagdag at naisabatas dito sa Japan at ito ay nag-umpisa this year 2016. Dahil dito 16 days na ang total ng National Holidays nila.

Ang pagsasabatas nito ay naisagawa sa pagsusumikap ng 日本山岳会 (NIHON SANGAKUKAI) "The Japanese Alpine Club (JAC)" na ang layunin ay maging close ang mga Japanese sa mga bundok at gawing araw ito ng pasasalamat sa biyayang naidudulot at naibibigay ng mga bundok sa mga mamamayan.

Kung makikita ninyo sa calendar ng month of August, ang mountain day ay naitakda sa araw ng AUGUST 11. Ang susunod na araw ay hindi holiday, subalit ang susunod na araw naman ay August 13 na start naman ng OBON YASUMI. Sinasabing AUGUST 12 ang hiniling ng JAC na gawing Mountain Day upang maisunod sa OBON YASUMI nang sa ganun ay lalong maging mahaba ito. Subalit hindi pumayag ang ilang mambabatas at ang nakakarami dahil ang AUGUST 12 ay ang araw kung saan ginugunita nila ang naganap na Japan Airlines Flight 123 tragedy. Ang tragedy na ito ay nangyari noong AUGUST 12, 1985 bandang 18:56PM ng sumabog ang domestic flight na ito kung saan namatay ang 520 na pasahero and flight crew. This is the biggest tragedy in the history of Japan aviation ayon sa mga news.

Bago maisabatas ang Mountain Day, kung makikita ninyo sa inyong Japanese calendar, ang month of June and August lamang ang walang national holiday. Subalit dahil sa naging national holiday na rin ang August 11, ang month of June na lamang ang walang red calendar dito sa Japan.


For your TAX REFUND (Income & Residence Tax), apply now at P&G Company Office.