malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)




Father na sumagip sa nahulog na anak, inanod sa ilog at nawawala (08/20)
Tour bus, bumaliktad sa kalsada sa Hokkaido, 48 katao sugatan (08/20)
Isang lalaki, huli sa pag-akyat sa bahay at pagnakaw sa gamit sa loob (08/20)
Child abuse cases, patuloy na tumataas for 26 consecutive years (08/18)
University student girl, huli sa pagtapon sa bagong silang na baby (08/18)


Japanese school na pinasok ng immigration, magsasara na sa March

Feb. 01, 2016 (Mon)


SBI Remit, for faster remittance service to the Philippines.


This is a follow up news tungkol sa JAPAN Kokusai Kyouiku Gakuin na isang school located in Fukuoka na nagtuturo ng Japanese language sa mga foreigner student na pumupunta dito sa Japan kung saan ito ay pinasok ng mga pulis at immigration dahil sa pagpapa-trabaho nito sa mga foreigner student na more than sa allowed na 28 hours a week.

Ayon sa news na ito, dahil sa pagkakahuli ng tatlong katao na mataas ang position sa school at sa pagka-freeze ng bank account nito na utos ng kinauukulan, napagpasyahan ng management nito na isara na lamang ang school sa darating na March pagkatapos ng school year ngayon. Malaki rin ang possibility na tanggalan na rin ito ng permit ng Ministry of Justice dahil sa ginawa nitong violation kung kayat malabo na itong makapag-operate bilang isang school.

Ang management mismo ng school na ito ang nagtutulak sa halos kalahating foreigner student na magtrabaho ng more than sa allowed na limit. Ang pinakamahabang working hour ng ilan sa student na nagtatrabaho ay umabot sa 72 hours per week ayon sa news na ito. Ang school bus mismo ay ginagamit ng school upang ihatid ang mga student sa mga working place nila ayon sa dating teacher ng school na ito.


For your TAX REFUND (Income & Residence Tax), apply now at P&G Company Office.