malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents




Dalawang Japanese zoo caretaker, kinagat ng lion (01/23)
Japanese father, pinatay ng anak gamit ang metal bat (01/23)
Gasoline stand naholdap, bentang 54 lapad natangay (01/23)
High school girl, natagpuang patay sa loob ng hotel (01/22)
Natutulog na 2 year old baby girl, namatay sa day care center (01/22)


Accident na ginawa ng anak, hanggang saan ang responsibility ng mga parents dito sa Japan?

Apr. 05, 2015 (Sun)


Sa mga meron maliliit na bata dyan or mga anak dito sa Japan, try nyong basahin ito at maging aware sana kayo kung ano ang maaaring mangyari at kung ano ang ssaagutin ninyong responsibility kung sakaling meron nagawang accident ang inyong anak dito sa Japan lalo na kung sangkot dito ang pagkamatay ng isang tao.

Nagiging mainit na debate ngayon dito sa Japan ang tungkol sa naging hatol ng court sa isang case kung saan namatay ang isang matandang Japanese dahil sa soccer ball na sinipa ng batang naglalaro sa loob ng school.

Ayon sa naging hatol ng court, pinababayad nila ang parents ng bata ng halagang isang libong lapad laban sa family ng namatay na matandang Japanese dahil sa kakulangan nila ng guidance sa bata.

Nangyari ang incident na ito noong February 2004 sa Ehime prefecture kung saan ang soccer ball na sinipa ng isang batang 11 years old (grade 6 elementary student at that time) papunta ng goal net ay lumagpas at umabot hanggang sa kalsada. Eksakto namang papadaan ang isang matandang Japanese, 80 years old na sakay ng isang scotter. Kanyang iniwasan ang bula kung kayat natumba sya at nabali ang paa nito. Na-hospital ang matanda at naka check-in ito, then after one year and four months, namatay ang matanda dahil sa sakit na pneumonia.

Dahil sa pagkamatay ng matanda, nagsampa ng demanda ang family nito noong year 2007. Ayon sa family nito, meron connection sa pagkamatay nya ang natamong pinsala sa aksidenting nangyari sa pag-iwas nito sa soccer ball na sinipa ng bata sa school. Ayon sa naging desisyon ng court, meron connection ang nangyaring accident sa pagkamatay ng matanda kung kayat pinagbabayad nila ang parents nito ng 1 libong lapad.

Dito sa Japan, ayon sa Civil Act 714 nila, ang anumang accident na nagawa ng isang bata or any disabled person ay pananagutan ng parents or sinomang guardian nito. Subalit kung mapapatunayan na hindi nagkulang ng guaidance ang parents sa bata at the time na nagyari ang accident, maaaring makaligtas ito sa responsibility na ihahatol ng court.