malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents




ANA domestic flight, nag-over run sa Hokkaido Chitose Airport (01/19)
Japanese na nang-hostage, tumalon mula sa 7th floor, patay (01/19)
Anak, huli sa pagsaksak sa sariling Japanese father (01/19)
5 Chinese, huli sa 100 cases na akyat bahay sa Tokyo at Kanagawa (01/19)
Japanese na muling nagpapakasal, tumataas ang bilang (01/19)


Nawawalang bata, inilibing ng ama sa liblib na lugar matapos nyang mapatay

Nov. 16, 2016 (Wed)


Osaka Sakai City. This is a follow-up news tungkol sa nawawalang bata na naka-register sa city hall subalit hindi pinapakita ng mga magulang nito sa mga child care worker officials ng nasabing city.

Ayon sa news na ito, natagpuan na ang batang nawawala kahapon November 15 sa isang liblib na lugar sa Osaka Chihayaakasaka Village kung saan ito inilibing ng kanyang sariling ama matapos nyang mapatay ito. Natagpuan ito base mismo sa information na binigay ng ama kung saan nya inilibing ang bata.

Ang story ng case na ito ay nagsimula ng hindi pinapakita ng mga magulang ang bata kahit na ilang beses na pabalik balik ang mga child care worker sa kanila. Na-alarma sila kung kayat nag-consult sila sa mga pulis at dito nabisto ang mag-asawa noong month of May.

Hinuli ng mga pulis ang mag-asawa una dahil sa kasong illegal na pagtanggap ng child care allowance kahit na wala yong bata at hindi nila pinapakita. During this time, hindi inaamin ng dalawa kung ano ang nangyari sa kanilang anak at magkakaiba ang pahayag nila. Sinabi ng ama before na namatay ang bata at itinapon nya sa bundok sa Nara prefecture, at ang sinasabi naman ng ina ay hindi nya alam kung saan dinala ng asawa nya ang bata noong nakaraang Christmas.

Sinubukang hinanap ng mga pulis ang bangkay ng bata sa Nara prefecture base sa pahayag ng tatay nito for four days, subalit wala silang nakita. Then, hinuli ng mga pulis ang mag-asawa ulit sa charge na pag-murder sa kanilang anak last week November 8, at dito biglang nagbago ang pahayag nila at umamin na.

Ayon sa pahayag ng nanay, nagsimulang saktan ng asawa nya ang panganay nilang anak na lalaki dahil napipikon ito sa hindi pagsunod sa kanya ng bata. Then one day after na saktan ng ama ang bata, biglang nag-iba ang pakiramdam nito at sinasabi ng bata na nilalamig sya, at ito ay tuluyang namatay sa harapan ng nanay dahil sa gulpi na sinapit nya. Natakot sya na sabihin ang katotohanan dahil sa ginawa rin nya at hindi pagpigil sa asawa nyang saktan ang bata.

Ayon naman sa ama. Ang pananakit nya sa anak nya ang naging cause ng pagkamatay ng bata. Dahil sa sinabi na ng asawa nya ang katotohanan, sasabihin na rin din nya ang lahat lahat, at dito nya inamin kung saan nya inilibing ang bata. Sinabi nyang ang bangkay ng bata ay inilibing nya sa gilid ng isang ilog. Sinamahan pa nya ang mga pulis papunta sa site mismo at dito nila nahukay ang bangkay ng bata kahapon November 15 ganap ng 2PM.

Ang bangkay ay kanyang inilibing na merong lalim lamang na 40cm. Nakasuot ng trainer at medyas ang bata ayon sa news na ito. Sinisiyasat ngayon ng mga pulis kung ano talaga ang ikinamatay nito ayon sa news.