malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents




ANA domestic flight, nag-over run sa Hokkaido Chitose Airport (01/19)
Japanese na nang-hostage, tumalon mula sa 7th floor, patay (01/19)
Anak, huli sa pagsaksak sa sariling Japanese father (01/19)
5 Chinese, huli sa 100 cases na akyat bahay sa Tokyo at Kanagawa (01/19)
Japanese na muling nagpapakasal, tumataas ang bilang (01/19)


Japanese, huli sa child pornography sa Manila

Sep. 19, 2015 (Sat)


Ayon sa news na ito mula sa ANN, isang Japanese ang hinuli ng mga Manila local police sa charge na child pornography. Ang hinuling Japanese ay nakilalang si Nakano-san, 37 years old, male na taga Gifu prefecture.

Hinuli ang Japanese na ito kasama ang iba pang Pinoy noong September 15 sa isang hotel sa Manila. Nakumpiska rin ng mga pulis ang mga camera at adult goods na ginamit ng mga ito sa filming ng mga malalaswang video na sangkot ang mga bata.

Base sa local news, ang Japanese na ito ay kumukuha na ng mga child pornography sa Manila mahigit isang taon na ang nakakalipas at ito ay ina-upload nya sa internet. Ilan sa mga ginamit nyang bata ay nasa 5 years old pa lamang. Hinahanap din ng mga local police ang isang lalaki na syang nagbibigay ng bata at naghahatid sa mga ito sa hotel ng Japanese na nahuli.