malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)




Kids Week, panibagong renkyuu na isasabatas ng Japan (05/23)
Dalawang magkasunod na snatching incident, nangyari na naman sa Saitama (05/23)
Convini, pinasok ng holdaper, 180 lapad natangay (05/23)
Convini, naholdap ng lalaki, 48 lapad natangay (05/21)
3 babae, tinangkang patayin ng isang lalaking may dalang gunting (05/21)


3D image ng mga suspect na nahuli, kukuhain at gagawan ng database

Jan. 22, 2016 (Fri)


Ayon sa press release na nilabas ng National Police Agency ng Japan, uumpisahan nila mula April 2016 ang paggawa ng database ng mga 3D image ng mga mukha ng mga suspect na kanilang nahuli at mahuhuli dito sa Japan.

Maglalagay sila ng 3D camera sa lahat ng 102 presinto dito sa Japan para makunan ng 3D image ang mga nakakulong now and they will register it and control in one database.

Sa ngayon, ang picture na kinukuha sa mga nahuhuling violators and criminals ay front face lang at side view nito na mula shoulder hanggang ulo. Sa paggamit ng 3D image, mas magiging malaki ang probability sa pag-identify sa mga pictures lalo na ang mga image na nakukuha sa CCTV camera ayon sa police agency.