malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Nanay at dalawang bata, natagpuang patay (12/10)
Narita aiport, hihigpitan ang laban against drug smuggling (12/10)
Bonus ng government employees, ibinigay na today (12/10)
USJ Donkey Kong new area, to open tomorrow (12/10)
Tomato 248 Yen, Kyabetsu 400 Yen (12/10)


Year 2019, maraming Pinoy na nabiktima sa scam dito sa Japan

Jan. 26, 2020 (Sun), 2,483 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Ilang araw na lang at matatapos na ang January for year 2020. Ang bilis talaga ng panahon, at kakaumpisa pa lamang ng taon pero nakakatanggap na rin ulit kami ng mga report dito sa Malago na nabibiktima ng mga panloloko.

Looking back sa mga natanggap naming mga inquiries here in Malago for year 2019, we received a lot about sa mga naloloko sa mga scam or sagi. So para sa kaalaman ng mga kababayan natin dito sa Japan at maging prevention na hindi kayo maloko, ito ang mga madalas na mga panloloko at mga scam na inilapit sa amin last year.


(1) PLANE TICKET SCAM
Last year, I think this is the most common na problem na naidulog sa amin dito sa Malago. Mga nabiktima ng mga plane ticket na nagbebenta lamang sa FB. After nilang mabayaran, di na nagpakita, or meron namang nagbigay ng ticket pero fake pala. Ang better na prevention para di kayo mabiktima sa mga ganitong panloloko ay bumili ng ticket directly sa mga airliner o mga ticket agent, at wag makikipag-usap sa mga individual lamang na nakilala sa SNS.


(2) RECOGNITION OF FOREIGN DIVORCE SCAM
Ang case naman na ito ay biglang inilapit sa amin ng sabay sabay here in Malago, and I think nabiktima sila ng iisang group or individual lamang na nangakong aayusin ang kanilang divorce sa Pinas subalit wala palang nangyari at sila ay nakuhaan lamang ng maraming pera. Same lang din, meron nakilala sa SNS, at na-engganyo sa offer na service kaya naging mga biktima.

Ang prevention naman na dapat gawin dito kung meron kayong aayusing divorce sa Pinas ay dapat na kumuha kayo ng lawyer directly don sa lugar nyo. Kung wala, better na kumuha ng mga lawyer na member ng isang law firm para sigurado kayong hindi kayo maloloko.


(3) JOB OFFER IN JAPAN SCAM
Dahil sa maraming mga kababayan natin na gustong makapunta dito sa Japan to work legally, marami ang nabiktima sa mga ganitong scam also last year. After paying for processing fee na sinasabi ng kausap nila, ayon wala na nangyari at marami ang naghintay sa wala.

Kung direct hire ang offer na job sa inyo, mostly wala kayong gagastusin dapat na malaki dito dahil ang company or employer na lahat ang sasagot ng expenses. Kung meron man kayong babayaran ay yong mga processing lang at lalakarin nyo personally na documents sa Pinas. So kung meron nag-offer sa inyo ng job at meron kasamang malaking perang bayarin, mag-dalawang isip na kayo dahil malaki ang possibility na maloko kayo.


(4) ONLINE SELLER SCAM
Ito namang case na ito ay madalas namin matanggap mula sa buyer at seller na parehong mga nagiging biktima. Yong buyer, ang reklamo madalas ay yong nabili or pinadala sa kanyang item ay hindi same don sa nakita nya sa picture, at mula naman sa seller ay hindi sya nabayaran matapos na maipadala nya ang product.

Ang ganitong online market na ginagawa personally o ng mga individual lamang ay mostly mga walang legal na license. So kung magri-reklamo kayo ay wala rin mostly mangyayari. Malaki ang risk na bumili at magbenta online so ang better na prevention talaga ay mabuti pang bumili na lang kayo sa mga store directly at wag online lalo na kung di naman talaga legit na online store ang bibilhan ninyo.


That's all. Yan ang mga scam na madalas na nai-report dito sa amin sa Malago. I hope na this year 2020, ay wala nang mabiktima sa mga kababayan natin pagdating sa mga ganyang activity. Be wise pag dating sa pera. Make sure na tama at hindi mauuwi sa wala ang perang ilalabas nyo dahil pinaghirapan nyo yan sa pagtatrabaho nyo dito sa Japan.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.