Nanay at dalawang bata, natagpuang patay (12/10) Narita aiport, hihigpitan ang laban against drug smuggling (12/10) Bonus ng government employees, ibinigay na today (12/10) USJ Donkey Kong new area, to open tomorrow (12/10) Tomato 248 Yen, Kyabetsu 400 Yen (12/10)
Nahuling Pinoy, cooperative pero walang apology sa family ng biktima Sep. 10, 2017 (Sun), 9,444 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
This is a translation of the news from Ibaraki news online tungkol sa kababayan nating nahuli sa kasong rape-murder case. Isang linggo na ang nakalipas simula ng mahuli sya noong September 2 at kanilang ibinalita ang summary ng mga pangyayari at result ng investigation ng mga pulis. This is only a translation of the news para sa mga sumusubaybay din sa kasong ito. Medyo may kahabaan sya ng kunti but we tried to translate it all. Here it is.
Isang linggo na ang nakalipas noong September 9 simula ng mahuli si ランパノ・ジェリコ・モリ (LAMPANO JERICHO MORI), 35 years old, isang Filipino, factory worker na nakatira sa Gifu Mizuho City sa charge ng pagpatay sa isang Japanese woman, 21 years old at the time of incident na isang second year college student ng Ibaraki University taking an agrigulture course. Ang pagpatay ay nangyari noong January 2004 sa Ibaraki Miho Town.
Ayon sa mga imbestigador, ang kasong pinapataw sa kanya ay kanyang inaamin at ayon dito napag-tripan lang nila ang babae ng kanila itong makita ng sila ay nag-aasobi ng mga kasama nila at ito ay nauwi sa pag-rape at pagpatay sa babae. Ang salarin ay very cooperative sa mga pulis at sinasagot nito ang kanilang mga katanungan during investigation, subalit walang binibitawang salitang apology ito para sa family ng biktima.
Noong September 6, dinala ng mga pulis ang salarin sa crime scene sa Miho Town Funako kung saan nakita ang bangkay ng babae sa ilog upang maisalaysay ng salarin ang mga pangyayari in details. Dinala rin nila ito sa ibang lugar na meron relation sa mga pangyayari ng crime upang maalala at maisalysay nito ng tama ang mga pangyayari.
During investigation ng mga pulis sa babaeng biktima, wala silang makitang anomang evidence na magpapatunay ng relation ng biktima sa nahuling Pinoy. Siniyasat nila ang cellphone nito, at mula sa call history at email nito walang anomang evidence silang makita kung kayat alam nilang walang relation ang biktima at ang salarin. Dahil dito, malaki ang possibility na ang nangyaring case na ito ay hindi pinagplanohan at nangyari lamang dahil sa biglang pagbabago ng isip at kilos ng mga salarin.
Ang incident na pagpatay sa biktima ay maaring nangyari ganap ng alas dose hanggang 6AM noong January 31, 2004. Ang biktima ay maaaring pinatay sa Miho Town Funako o sa mga kalapit na lugar nito. Then bandang 9AM, ang bangkay ng biktima ay nakita sa ilog sa lugar na nabanggit na lumulutang.
Ang kababayan nating salarin ay nakapasok ng Japan noong February 2000 mula sa Pinas. Then nanirahan sa isang bahay sa Tsuchiura City na meron isang kilometro ang layo kung saan nakita ang bangkay ng biktima, at sya ay nagtrabaho sa isang electronic parts maker company on the same town.
Ayon sa dating board of director ng company kung saan sya nagtrabaho, sya ay nag-resign sa trabaho after ng crime incident, subalit sya ay bumalik at nagtrabahong muli. Bago sya bumalik sa trabaho, sya ay nakailang balik sa Pinas at Japan at patuloy syang nakikipag-contact sa mga kasama nya sa crime. Malaki ang possibility na ito ay bumalik sa trabaho after na mapansin nilang hindi umaabot sa kanila ang investigation ng mga pulis at that time.
Upang ma-solve ang kasong ito, 33,910 ang total na bilang ng mga pulis at imbestigador ang na-dispatch sa kasong ito. Then on year 2011, nagbuo sila ng special team sa kasong ito bilang unsolve case at patuloy pa rin ang ginawa nilang investigation. Then a few years ago, nakatanggap sila ng isang lead info na meron isang kahina-hinalang gaikokujin na related sa kasong ito at dito pa lang unang pumasok sa listahan ng mga pulis ang kababayan natin bilang isang suspect.
Ang kasama nyang dalawang lalaki ay umuwi ng Pinas noong year 2007 at hindi na nakabalik pa ng Japan at hindi pa rin alam ang kinaroroonan ng mga ito sa ngayon. Ang Japan Police ay nakipag-usap na sa INTERPOL upang matugis ang dalawa sa ngayon. Meron 95 police personnel as of now ang humahawak sa kasong ito ayon sa news.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|