malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce




Mag-asawa, huli sa pag-smuggle ng droga na tinago sa hair wax (01/23)
2 babae sa Tokyo, infected sa bagong coronavirus variant (01/23)
Isang babae na infected sa corona, natagpuang patay (01/22)
Isang babae, infected sa bagong coronavirus variant (01/22)
Chinese na lalaki, huli sa paggawa ng fake shopping website (01/22)


High school girl, pinatay ng dating kasamahan sa arubaito

Nov. 16, 2015 (Mon), 2,838 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Tokyo Edogawa. Ayon sa news na ito from NNN, isang Japanese man, 29 years old ang hinuli ng mga pulis matapos nitong patayin ang isang senior high school girl, 17 years old na dati nyang kasamahan sa trabaho.

Nangyari ang incident noong November 12 ng hapon sa apartment mismo ng lalaking pumatay kung saan sinakal nya ito, at kinuha ang bag na naglalaman ng pera. Ang babae ay nawawala matapos nitong umuwi at lumabas ng bahay na ni-report agad ng parents sa mga pulis.

Makalipas ang dalawang araw, tumawag mismo sa mga pulis ang lalaki noong November 14 kung saan sinabi nya mismo na pumatay sya ng tao, at ng pumunta ang mga pulis sa bahay, nakita nila ang katawan ng babae sa bath tub na hubot hubad.

Ayon pa sa investigation ng mga pulis, ang lalaking ito ay inabangan ang babae na lumabas mula sa kanyang pinagta-trabahuan noong November 11 ng gabi. Sinabi nitong meron syang mga sample na makeup sa bahay nya at inimbitahan nya ito para kunin. Nagkita sila sa JR Koiwa station ng sumunod na araw ng umaga at pumunta sila sa bahay ng lalaki at dito nya ginawa ang pagpatay.

Pagpasok nila ng bahay, agad nya itong sinakal sa leeg mula sa likuran at nawalan ng malay ang babae. Sinakyan nya pa ito sa likod at ng mapansin nyang humihinga pa, sinakal pa nya ulit ito gamit ang uniform ng babae ayon mismo sa pahayag ng lalaking pumatay.

Kung ano naman ang motive nya sa pagpatay, sinabi nitong kinailangan nya ang pera kaya kinuha rin nya ang perang nasa bag ng babae. Isa pa, naghihirap na rin sya sa buhay kaya ginawa nya ang kaya nyang gawin at nagkaroon din sya ng interest na pumatay ng tao. Pinili nya ang babaeng ito dahil sa mga kakilala nyang mga kaibigan, ang babaeng ito ang pinakamahina ang katawang ayon sa kanya.

After nyang mapatay ang babae, lumabas sya ng bahay at nag-isip kung susuko sya sa mga police or magpapakamatay na lamang. Sa kakaisip nya, hindi nya napansin na nagawi na pala sya sa Chiba Abiko City kung saan dito sya tumawag sa mga police at sumuko.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.