malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes




Immigration personnel, huli sa pagnanakaw ng pera ng workmate (06/21)
Taiwanese couple, huli sa pag-operate ng taxi ng walang permit (06/21)
Ate, huli sa pagpatay sa nakakabatang kapatid (06/21)
Tatlo, sinaksak ng di nakilalang lalaki na di pa nahuhuli (06/21)
Lalaki, huli sa pagsaksak at pagpatay sa kaibigan (06/21)


Japanese woman, sinaksak sa leeg ng dating boyfriend, patay

Oct. 04, 2016 (Tue), 4,536 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Shizuoka Makinohara City. Ayon sa news na ito, isang Japanese woman, 32 years old, ang sinaksak sa leeg at tiyan ng kanyang dating boyfriend today October 4 bandang 1:30AM ng madaling araw. Ang babae ay namatay makalipas ang isang oras ayon sa news.

Nangyari ang incident sa loob ng isang convenience store, kung saan pumunta dito ang babae para humingi ng tulong sa staff dahil sa takot nya ng makita nya ang kanyang dating boyfriend sa harap ng bahay nya. Pinasok ng staff ang babae sa loob ng counter upang ipagtanggol subalit pumasok din ang lalaki at itinulak ang staff.

Ang lalaki ay merong dalang tatlong kutsilyo na ginamit nya para saksakin sa leeg at tyan ang babae. After nyang gawin ito, sinaksak din nya ang kanyang sarili sa leeg at tyan subalit hindi napuruhan at nasa hospital ngayon para sa gamutan ayon sa news. Hinihintay ng mga pulis na maka recover ito upang alamin ang motibo nya sa kanyang ginawa.

Ang babae ay naka ilang consult na rin sa mga pulis tungkol sa pangamba nya sa dati nyang boyfriend before. Pinagharap harap ng mga pulis ang boyfriend, kasama ang parents nito at ang biktima ng apat na beses para ayusin ang gusot, kasama pa ang isang lawyer at ang akala nila ay tapos na ang issue nito subalit nauwi sa incident na nangyari ngayon.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.