malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)




Nakitang patay na bata sa drainage canal, isang Vietnamese (03/27)
Batang babae, natagpuang patay na hubot hubad sa gilid ng canal (03/26)
1 week old baby girl, natagpuang iniwan sa ilalim ng overpass (03/25)
2 British na lalaki, huli sa pag-smuggle ng drugs sa Narita (03/25)
Babaeng nakasakay sa wheel chair, nahagip ng train, patay (03/25)


Korean nag-report ng mga overstayer sa Immigration

Jul. 16, 2015 (Thu)


Korean nag-report ng mga overstayer sa Immigration ng mga kababayan nilang hindi nakapag-renew ng Residence Card

Ayon sa news na ito from Biglobe, maraming mga Korean ang nag-report ng overstayer sa Immigration noong July 10 pagkatapos ng deadline ng pag-renew ng Residence Card mula sa lumang Alien Registration Card.

Marami sa mga Korean ang nag-akalang magiging overstayer ang isa nilang kababayan kapag ito ay hindi nakapag-renew ng RC pagkatapos ng deadline. Ito ay ikinalat nila sa internet kung kayat marami sa kanilang mga kababayan ang nagsumbong sa Immigration na overstayer na ang kanilang kakilala na hindi nakapag renew ng RC.

Marami ring natanggap na information ang immigration about overstaying report mula sa kanilang homepage kung kayat hindi ito ma-access ng araw din na nabanggit.

Dahil dito, naglabas ng memorandum ang Immigration tungkol dito at nilinaw nila na hindi magiging overstayer ang isang foreigner na hindi nakakuha ng RC after the deadline at hindi rin sila subject for deportation.