malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes




Father, huli sa pananakit sa 3 months old baby (10/20)
40 Pinoy trainee, babayaran ng Hitachi sa natitira nilang contract (10/20)
Hitachi at Pinoy trainee na tinanggal, muling hindi nagkasundo (10/17)
Pinay, huli sa pag-operate ng omise ng walang permit (10/16)
3 lalaki, huli sa pagbenta ng fake brands online (10/16)


Pinay na nangsunog sa asawa, hinuli na ng mga pulis

Jul. 15, 2016 (Fri), 5,595 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Tokyo Hino City. Ayon sa news na ito, hinuli na ng mga pulis ang kababayan nating Pinay kahapon July 14 sa charge na pagpatay sa kanyang asawang Japanese matapos nitong buhusan ng langis at sindihan noong July 3 ganap ng 7PM sa kanilang bahay. Ang asawa ay namatay dahil sa pasong nakamit nito sa buong katawan.

Ang Pinay na nahuli ay nakilalang si カワニシ・フランシスカ・フランコ, 45 years old, walang trabaho. Sya ay hinuli matapos na makalabas sa hospital kahapon dahil sa paglaslas na ginawa nito matapos nyang magawa ang krimen.

Inaamin naman ng kababayan natin ang charge laban sa kanya. Sinasabi nitong matagal na syang nagtitiis sa pananakit na ginagawa sa kanya ng asawa. Subalit ng mapuno sya dahil sa galit at pangangamba, biglang nagdilim ang kanyang pag-iisip at nagawa nya ang pagpatay sa kanyang asawa. Plano rin nya sanang magpakamatay pagkatapos nyang magawa ito. Meron din record na nag-consult ang kababayan natin sa mga pulis about sa pananakit na ginagawa sa kanya ng asawa noong November 2015 ayon sa news na ito.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.