malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes




Nagkakalikot ng smartphone, nahagip ng train, patay (07/21)
Vietnamese woman, huli sa illegal door to door remittance (07/21)
Asawang babae, huli sa pagpatay sa asawang lalaki (07/20)
Asawang babae, patay sa pananakit ng asawa (07/20)
Mag-ina, pinagtulungang patayin at ilibing ang asawang babae (07/20)


Putol-putol na katawan ng syam katao, natagpuan sa loob ng cooler box

Oct. 31, 2017 (Tue), 10,842 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Kanagawa Zama City. Ayon sa news na ito, syam na katao ang natagpuang patay sa isang apartment sa lugar na nabanggit kung saan ang mga katawan nito ay pinagpuputol-putol at inilagay sa mga cooler box. Unang nakita ang putol na ulo ng dalawang katao sa isang cooler box na nakalagay sa labas ng bahay kahapon October 30 ganap ng 4:30PM at ang mga ito ay naagnas na.

Hinuli naman ng mga pulis ang nakatirang lalaki sa apartment, na nasa twenties pa lamang ang age, kung saan natagpuan ang mga bangkay. Ang lalaki ay natunton ng mga pulis dahil sa isang babaeng nawawala sa Hachiouji City, age 23 years old na ini-report ng kanyang kuya sa mga pulis noong October 24.

Ang babaeng nawawala ay nag-post sa isang SNS site na naghahanap sya ng makakasama sa pagpapakamatay at dito nagkakilala ang babae at ang lalaking hinuli. Nakita sa mga CCTV sa Odakyu Line Sobudaimae Station na magkasama ang dalawa na naglalakad kung kayat naging suspect ang lalaki sa pagkawala ng babae at kanila itong pinuntahan sa bahay at dito nakita ang mga putol-putol na katawan. Isa sa mga bangkay na nakita ay ang babaeng nawawala ayon sa mga pulis.

Siniyasat pa ng mga pulis ang loob ng bahay nito at dito pa nila nakita ang iba pang bangkay na putol-putol at nakalagay sa loob ng cooler box ayon sa news.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.