65,200 Pinoy tourist, bumisita ng Japan last February (03/19) 4 new industry in SSW visa, aprobado ng LDP (03/19) New MyNumber Card design idea, inilabas sa publiko (03/19) 2 katao, nakitang patay sa loob ng kurumang sinunog (03/18) Haken company owner, kinasuhan sa pagpapautang sa Pinay minor age (03/18)
Babae patay at dalawa pang sugatan, matapos na sagasaan ng kuruma Mar. 08, 2019 (Fri), 804 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Tokyo Meguro-Ku. Ayon sa news na ito, isang lalaki, age 39 years old, self-employed ang hinuli ng mga pulis, matapos nitong sagasaan ang tatlong katao na tumatawid sa isang traffic light.
Nangyari ang incident today March 8 ganap ng 11:20AM sa isang kalsada sa lugar nabanggit. Ang traffic light para sa mga pedestrian ay naging green kung kayat tumawid ang mga tao, subalit biglang pumasok dito ang mabilis na kuruma na minamaneho ng salarin at hinagip ang tatlong katao.
Ang nahagip ay dalawang katao na nakasakay sa jitensya at isa pa na naglalakad. Dalawang lalaki at isang babae ang nasagasaan. Ang babae na nakasakay sa bike, age 36 years old, ay masama ang naging tama at namatay ito sa hospital kung saan sila sinugod. Ang dalawang lalaki ay nagtamo rin ng injury.
Ayon sa mga nakasaksi, ang kuruma na pumasok at sumagasa sa mga biktima ay tuloy-tuloy at hindi nag-preno. Nasa 50 to 60 km ang speed nito. Sinisiyasat ng mga pulis kung ano ang naging cause ng incident na ito ayon sa news.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|