malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes




Junior high school student na lalaki, huli sa pananaksak (08/19)
Lalaking natutulog, inihian sa loob ng eroplano (08/19)
Anak, huli pagsaksak at pagpatay sa sariling ina (08/15)
Hindi naku-kyutan sa baby, inilagay sa malamig na lugar (08/14)
Nawawalang 2 years old kid, hindi pa rin nakikita (08/14)


Nakitang patay na bata sa drainage canal, isang Vietnamese

Mar. 27, 2017 (Mon), 6,864 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Chiba Abiko City. This is follow-up news tungkol sa isang batang patay na hubot hubad na natagpuan kahapon March 26 ganap ng 6:30AM ng isang lalaki na mamimingwit sana sa area na nabanggit ayon sa news.

Ayon sa report ng mga pulis, ang batang patay ay na-identify na nila at ito ay ang batang nai-report ng kanyang tatay na nawawala noon pang March 24. Ang batang babae ay isang Vietnamese, 9 years old, elementary grade 3 student.

Hubot hubad ang bata, at walang mga gamit itong nakita sa tabi ng kanyang bangkay. Meron ding bakas ng sakal sa leeg na natagpuan ang mga pulis ayon sa news.

Ang bata ay lumabas ng kanilang bahay noong March 24 ganap ng 8AM upang umattend sa school closing ceremony subalit hindi ito nakarating ng school kung kayat tumawag ang teacher nya sa kanyang tatay. Kinahupanan ng araw ding ito, nag-report ang tatay sa mga pulis na nawawala ang kanyang anak.

Meron mga nakakitang naglalakad ang bata papunta ng school na mag-isa. Then kinahapunan ng March 24, meron ding nakakita na ang bata ay nasa isang public park na 3km ang layo sa bahay nila. Kasamang naninirahan ng bata ang tatay, nanay at kapatid nyang lalaki dito sa Japan. Ang nanay at kapatid nya ay umuwi sa Vietnam during that time at ang tatay lamang nya ang kasama nya sa bahay ayon sa news.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.