malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Work in Japan as Nurse or Careworkers under JPEPA, application is open now (04/19)
Nahospital sa pag-take ng Kobayashi supplement, umabot na sa 236 katao (04/19)
Buwan ng Mayo, pinakaraming nahuhulog na bata sa Tokyo area (04/19)
Tourist in Japan last March, umabot sa 3 Million (04/18)
Lalaki, huli sa paninipang bigla sa 2 years old kid (04/18)


Batang pinatay, kinausap ng lalaki papasok ng school

May. 09, 2018 (Wed), 9,571 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Niigata Nishi-Ku. This is an update sa mga lumalabas na news tungkol sa batang pinatay at pinasagasa sa train noong May 7 ganap ng 10:30PM.

Ang katawan ng bata ay inilagay sa pagitan ng riles ng ito ay matagpuan. Ang suot nitong damit ay pareho ng suot nya noong pumasok sya ng school. Bago sya mahagip ng train, ang unang train na dumaan sa scene of incident ay hindi nakita ang kanyang bangkay, at mahigit 10 minutes ang pagitan lamang nito. Sa loob ng ten minutes na ito, inilagay ng salarin ang katawan ng bata sa riles ayon sa mga pulis.

Ang riles ng train ay meron bakod, subalit malaki ang butas o pagitan ng mga bakod na ito na pwedeng lumusot ang katawan ng isang otona.

Kasama ang kanyang mga classmates, sabay na umalis ng school ang bata bandang 3:15PM para umuwi at sila ay nagkahiwa-hiwalay ng daan bandang crossing ng train at mag-isang naglakad ang bata. Malaki ang possibility na dito nag-simula ang pagtangay sa bata ayon sa news. Mula sa crossing papunta ng bahay nila, mga 470 meters lamang ang distance na lalakarin din at makakarating ng bahay ang bata dapat ng ilang minuto lamang. May mga nakakita pa sa bata ng sya ay naglalakad ng mag-isa bago ito mawala ayon din sa news.

Ayon sa medical examination sa katawan ng bata, walang masyadong dugong lumabas dito compare sa normal accident kapag nahagip ang isang katawan ng tao kung buhay pa. Kung kayat nagkaroon sila ng assumption na ito ay patay na bago pa ito masagasaan, at kanilang pa itong siniyasat at lumabas nga ang katotohanan.

May bakas ng sakal sa leeg ang bata na kanilang nakita at dito nabuo ang kanilang hinala na inilagay ng salarin ang bangkay ng bata sa riles, upang palabasin na namatay ang bata by accident after na patayin nya ito at maitago ang katotohanan.

Lumabas din sa bagong news now na ang bata ay nag-report sa school na meron lalaki ang kumausap sa kanya pagpasok nya sa school noong May 7 ng umaga. Malaki ang possibility na meron kinalaman ang lalaking ito sa nangyari sa bata ayon din sa news.

Noong October to December last year, meron ng mga nairi-report na meron aaligid aligid na lalaki na kahina-hinala ang ginagawa at pinaglalaruan ang mga bata. Merong nakakita na meron itong dalang kutsilyo, meron mga batang kanyang hinawakan sa braso at meron ding batang hinila ang buhok. Naglabas naman ng warning email ang mga pulis sa mga guardian ng bata at that time ayon sa news.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.