malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Fued
Carework




Restaurant, pinasok ng mga holdaper, 18 lapad natangay (01/20)
Isang bahay, pinasok ng mga kalalakihan na nagpanggap na pulis (01/20)
Mag-ama, nakitang patay sa loob ng bahay, a possible murder suicide (01/20)
Japanese father, nasaksak ng anak, patay (01/20)
Isang babaeng buntis, nanganak sa loob ng Joban Line train today (01/19)


About the Notification Card of My Number System na ipapadala sa inyo

Sep. 30, 2015 (Wed)


For your remittance services needs, apply now at Seven Bank Remittance.


This is a sample of the NOTIFICATION CARD (TSUUCHI KA-DO) na naglalaman ng inyong 12 DIGIT NUMBER na simulang ipapadala ng inyong municipality simula bukas October 1, 2015. Probably next week Monday October 5, karamihan sa atin here in Japan ay meron ng hawak nito.

As long na naka-register ka sa city hall kung saan ka nakatira here in Japan, meaning meron kang individual address now, papadalhan ka nila nito at bibigyan ka ng iyong sariling NUMBER. So kung ikaw man ay permanent here or hindi pa, may ngipin o wala, kalbo man o hindi, Japanese man or Pinoy, as long na meron kang address at naka register ka sa city hall, makakatanggap ka nito ayon sa nakasaad sa MY NUMBER system guidelines. Ang maaaring hindi makatanggap nito ay ang mga TNT, at yong mga pumasok here in Japan under tourist visa or family visit visa dahil wala silang address sa city hall.

Sa mga lumipat naman ng lugar at mga nasa Pinas now at wala pang address here, you can only have this one after ninyong magpa-register sa city hall kung saan kayo maninirahan o lilipat. Hwag na hwag ninyong iwawala ang card na ito dahil ito ang inyong gagamitin habang wala pa ang MY NUMBER CARD na kanilang ibibigay simula January 1 2016. Ito rin ang pwede ninyong gamitin habang buhay kung hindi kayo mag-aapply ng MY NUMBER CARD.

Ang NOTIFICATION CARD na ito ay naglalaman ng inyong 12 DIGIT NUMBER, name, address, birthdate at gender. You cannot use this as an identification card. Wala itong validity or expiration period subalit kailangan nyo itong ibalik kapag kayo ay kukuha ng MY NUMBER CARD. Also, kung kayo ay uuwi na sa Pinas or aalis na ng Japan for good, kinakailangan nyong isuli ito. Probably kukunin nila sa airport at the time na lalabas kana kasabay ng Residence Card (RC)

Para naman sa application ng inyong MY NUMBER CARD, maaaring padalhan kayo ng notice ng inyong local municipality about it kung paano makuha ito. Probably they will put some information sa homepage ng city hall, so check it out for the details.