malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes




Nagri-reklamong kapitbahay, pinatay dahil sa ingay (07/22)
Nanay na under coma state, sinakal ng anak, patay (07/22)
3 years old boy, nalunod sa ilog, patay (07/22)
2 years old girl, nahagip ng kuruma ng tatay, patay (07/22)
Nagkakalikot ng smartphone, nahagip ng train, patay (07/21)


4 na teenager at 5 ang nasa twenties, naging biktima ng Serial Killer

Nov. 01, 2017 (Wed), 9,757 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


This is an update tungkol sa karumal-dumal na krimen na nangyari sa Kanagawa Zama City kung saan 9 katao ang nakitang biktima. Patuloy na nagbibigay ng pahayag ang nahuling lalaki, age 27 years old at sumasagot sa mga katanungan ng mga pulis.

Ang lalaki ay nagsimulang tumira sa apartment na kanyang inupahan noong August 22, at sa loob lamang ng mahigit dalawang buwan nya nagawang patayin ang siyam na biktima. Ang apartment ay ni-rentahan ng kanyang ama at parang nagmamadali itong maipasok ang kanyang anak sa apartment ayon sa fudouya-san at that time.

Pito sa mga biktimang babae ay mga nakilala lamang nya sa internet at ang dalawang biktima ay isang mag-syota na kakilala nya. Sinisiyasat ng mga pulis sa ngayon ang DNA nito upang malaman ang identity.

Ang katawan ng syam na biktima ay pareho nyang inilagay sa mga cooler box sa loob ng kanyang bahay. Sinabi ng lalaki at the time na sya ay hinuli na sinakal nya ang mga biktima hanggang sa mawalan ng ulirat at saka pinatay, then pinag putol-putol nya ang mga katawan nito. Ang ilang babae ay kanya pang pinag-samantalahan bago nya pinatay at ang iba dito ay para makuha ang pera na dala nila.

Pagkalipat nya ng apartment sa second floor at nagsimulang tumira dito, una nyang dinala sa bahay at pinatay ang kakilala nyang babae noong katapusan ng August. Then, noong hinahanap ito ng kanyang syotang lalaki, isinama nya sa bahay ang lalaki at dito rin nya ito pinatay. Una nyang naging biktima ang mag-syotang kakilala nya. Ang una nyang biktimang babae ay pinagputol-putol din nya ang katawan at mahigit tatlong araw ang inabot ayon mismo sa lalaki.

Then hanggang noong October 30 kung kelan nabisto ang kanyang ginagawa, pito pang babae ang kanyang naging biktima na napatay. Pinagputol-putol din nya ang mga katawan nito sa bath tab at nakuha sa mga ito ang mahigit 50 lapad. Ang pitong babaeng kanyang biktima ay hindi nya mga kakilala at na-contact lamang nya ito sa internet. Marami sa mga ito ang gustong magpakamatay at the time na ma-contact nya.

Isa sa kanyang naging biktimang babae na naging susi sa pagkahuli sa kanya ang nakilala nya rin sa SNS. Nakita nya ang post nito na naghahanap ng makakasama sa plano ng babae na pag-suicide kung kayat niyaya nya itong makipag kita sa kanya at dinala nya rin nya ito sa bahay nya at pinatay.

Ayon sa lalaki, ang lahat ng biktima nya ay kanyang sinalakay ng hindi nila nalalaman at walang pinirmahang agreement kahit na ang mga ito ay gustong magpakamatay. Ang ilang parte ng katawan na kanyang pinag putol-putol ay itinapon nya kasama ang mga lamang loob sa basurahan, at ang mga ulo nito ay nilagay nya sa cooler box at tinabunan ng buhangin na ginagamit sa tae ng pusa upang hindi mangamoy.

After nyang mapatay ang syam na biktima, nananatili syang namumuhay ng normal sa kanyang inupahang apartment. Plano nya ring itapon ang mga ulo at iba pang buto ng katawan subalit nagdadalawang isip sya dahil malaki ang possibility na mabibisto sya ayon sa pahayag nito. Ang ilang kapitbahay nito na napapadaan sa apartment ay nakaka-amoy na ng di magandang amoy pagpasok ng buwan ng October ayon sa news.

Patuloy ang investigation na ginagawa ng mga pulis today at ayon sa lumabas na result, apat sa mga biktima ay nasa teenager ang edad, at lima sa mga ito ay nasa twenties. Isa ang kanyang pinatay noong August, then apat noong September at apat naman noong October. Pareho nyang inatake at pinagsamantalahan ang lahat ng babaeng kanyang biktima ayon sa latest na pahayag ng salarin.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.