malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents




ANA domestic flight, nag-over run sa Hokkaido Chitose Airport (01/19)
Japanese na nang-hostage, tumalon mula sa 7th floor, patay (01/19)
Anak, huli sa pagsaksak sa sariling Japanese father (01/19)
5 Chinese, huli sa 100 cases na akyat bahay sa Tokyo at Kanagawa (01/19)
Japanese na muling nagpapakasal, tumataas ang bilang (01/19)


Jidou Fuyou Teate (Child Rearing Allowance), tataas ng doble mula August 2016

Jan. 04, 2016 (Mon)


Ayon sa news na ito from Asahi Shimbun, napag-desisyonan ng Japanese government noong December 21 na itaas ang JIDOU FUYOU TEATE na natatanggap ng mga single parents para sa kanilang mga anak upang magkaroon ng solution ang dumaraming naghihirap na bata lalo na sa single parent family na mababa ang annual salary. Ang itataas na allowance ay para sa mga family na meron anak na dalawa pataas.

Ang pagtaas na ito ay isasagawa simula August 2016 at matatanggap on December. Sa ngayon, ang natatanggap na benefit para sa mga pangalawang anak ay 5,000 YEN at 3,000 YEN naman para sa pangatlong bata. Ito ay maaaring madoble depende sa laki ng annual income ng parent ng bata. Ang pagtaas ng allowance na ito para sa pangalawang bata ay 36 years na ang nakakaraan, at 22 years naman para sa pangatlong bata.

Pinag-aaralan din kung ang allowance na ito ay pwedeng ibigay sa mga bata hanggang sila ay umabot ng 20 years old upang matulungan ang mga batang ito hanggang sila ay makatapos ng kanilang pag-aaral sa college.