malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Work in Japan as Nurse or Careworkers under JPEPA, application is open now (04/19)
Nahospital sa pag-take ng Kobayashi supplement, umabot na sa 236 katao (04/19)
Buwan ng Mayo, pinakaraming nahuhulog na bata sa Tokyo area (04/19)
Tourist in Japan last March, umabot sa 3 Million (04/18)
Lalaki, huli sa paninipang bigla sa 2 years old kid (04/18)


Pinoy, huli sa di napigilang makamundong pagnanasa

Nov. 10, 2022 (Thu), 304 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Oda City. Ayon sa local news na ito, hinuli ng mga local police today November 10, ang isang kababayan nating lalaki, age 21, company employee, matapos mapatunayang sabit ito sa molestation charge.

Nangyari ang incident noong November 8 ng gabi sa bahay ng babaeng teenager kung saan biglang dumating ang lalaki. Nag-request itong mag-hug sila, subalit umayaw ang babae kung kayat itinumba sya nito at hinipuan.

Ang dalawa ay nagkakilala sa isang matching appli at nagkita na before, subalit di pa tinuturo ng babae ang address ng bahay nya.

Ang kababayan natin ay umuwi na daw matapos na pumalag ang babae, subalit agad na nag-report ang babae sa mga pulis. Then nagpadala ng LINE message ang kababayan natin sa babae, asking kung pwede daw syang dumaan ulit kinabukasan ng gabi sa bahay nito.

Tulad ng sinabi nya, pumunta muli ang kababayan natin sa bahay ng babae, subalit ang hindi nya alam ay may mga pulis na naghihintay na sa kanya. Nagpakita sila ng dumating ang kababayan natin at tinanong tungkol sa charge laban sa kanya. Umamin naman ito sa ginawa nya kung kayat hinuli sya.

Sinisiyasat ng mga pulis kung ano ang naging motibo nya sa ginawa nya at kung paano nya nalaman ang address ng babae.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.