malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)




Chinese na lalaki, huli sa pagbenta ng fake brand na Hermes (02/20)
Japanese man, huli sa sexual assault laban sa isang Junior high school girl (02/19)
Magkapatid na babae, huli sa di pagpapakain sa namatay nilang nanay (02/19)
Naglalakad na mag-asawa, sinaksak sa mukha ng nakasulubong na lalaki (02/19)
Policewoman, huli sa mambiki charge sa loob ng Disneyland (02/18)


Vietnamese trainee and student visa holder, huli sa pagnanakaw

Nov. 17, 2016 (Thu)


Ayon sa news na ito, hinuli ng mga Saga police kahapon November 16 ang tatlong Vietnamese na lalaki na parehong nasa twenties ang edad sa charge ng pagnanakaw sa loob ng store.

Lumabas sa investigation ng mga pulis na ang tatlong ito ay nagnakaw noong November 4 bandang 5:25PM sa isang apparel store ng down jacket at iba pang 13 items na nagkakahalaga ng 64,200 YEN.

Sila rin ay napatunayang nagnakaw sa isang malaking department store sa Kumamoto prefecture at nakunan ng video na ikinalat ng department store sa kanilang mga branch store na syang naging proof para sila ay ma-trace sa Saga prefecture. Itinawag agad sila sa pulis ng mapansin ng staff na sila ang pinaghahanap nila.

Ang tatlong ito ay palipat lipat ng lugar sakay ng sasakyan na gamit nila at wala ring dalang passport. Ang isa sa kanila ay taga Aichi prefecture na nakapasok bilang trainee and working as a welder, at ang dalawa naman ay parehong mga student. Ang visa ng tatlo ay parehong invalid na at sila ay mga overstayer ayon sa news.