malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)




Nakitang patay na bata sa drainage canal, isang Vietnamese (03/27)
Batang babae, natagpuang patay na hubot hubad sa gilid ng canal (03/26)
1 week old baby girl, natagpuang iniwan sa ilalim ng overpass (03/25)
2 British na lalaki, huli sa pag-smuggle ng drugs sa Narita (03/25)
Babaeng nakasakay sa wheel chair, nahagip ng train, patay (03/25)


Japanese father, huli sa pagmaltrato sa 3 months old baby

Nov. 19, 2016 (Sat)


Fukuoka Prefecture Fukuoka City. Ayon sa news na ito, hinuli today November 19 ng mga local police ang isang Japanese father, 29 years old, company employee sa child abuse charge matapos nitong maltratohin ang kanyang sariling anak.

Nangyari ang incident noong October 4 sa loob ng kanilang bahay. Hindi tumatahan sa kaiiyak ang batang babae na 3 months old pa lamang at that time kung kayat idiniin nito sa dingding ang kanang paa ng bata na naging sanhi ng pagkapilay nito.

October 7 ng dalhin ng mother ang kanyang anak sa hospital at dito napansin ng mga medical staff ang kakaibang kalagayan ng bata na agad nilang ni-report sa mga pulis. Inaamin naman ng father ang charge laban sa kanya at nagawa nya ito nang mapuno sya sa sobrang iyak ng bata.