malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)




Nakitang patay na bata sa drainage canal, isang Vietnamese (03/27)
Batang babae, natagpuang patay na hubot hubad sa gilid ng canal (03/26)
1 week old baby girl, natagpuang iniwan sa ilalim ng overpass (03/25)
2 British na lalaki, huli sa pag-smuggle ng drugs sa Narita (03/25)
Babaeng nakasakay sa wheel chair, nahagip ng train, patay (03/25)


2 babae, itinulak sa riles mula sa platform ng di nakilalang lalaki

Dec. 12, 2016 (Mon)


Osaka City Naniwa-Ku. Ayon sa news na ito, dalawang babae na naghihintay ng pagdating ng train ang biglang itinulak sa riles ng di nakilalang lalaki kahapon December 11 ganap ng 5PM.

Nangyari ang incident sa isang platform ng JR Shin-Imamiya station sa lugar na nabanggit. Meron ng papalapit na train ng biglang itinulak ang likod ng dalawang babae ng di nakilalang lalaki. Ang isang babae na student, 18 years old ay nakakapit at di nahulog sa riles, subalit ang isang babae na matanda, 63 years old ay nahulog at nagkaroon ng kunting sugat.

Agad namang nakita ng train driver ang pangyayari kung kayat nakapag emergency brake ito at huminto ang train 1 meter ang layo sa matandang babaeng nahulog ayon sa news na ito. Ang lalaki naman na nagtulak ay agad na tumakbo at sumakay sa ibang train. Pinaghahanap sya ngayon ng mga pulis ayon sa news.