malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)




Nakitang patay na bata sa drainage canal, isang Vietnamese (03/27)
Batang babae, natagpuang patay na hubot hubad sa gilid ng canal (03/26)
1 week old baby girl, natagpuang iniwan sa ilalim ng overpass (03/25)
2 British na lalaki, huli sa pag-smuggle ng drugs sa Narita (03/25)
Babaeng nakasakay sa wheel chair, nahagip ng train, patay (03/25)


3 Pinoy drug smuggler, nahuli sa airport hiding the drugs inside their body last year 2014

Jun. 22, 2015 (Mon)


Ayon sa report na nilabas ng Ministry of Justice (MOJ) about sa drugs smuggling cases in the airport for year 2014, meron silang naitalang 126 cases at nakuhang 630 kilos of drugs.

Pinakamarami dito ay mga Thailander na meron 30 katao silang nahuli at 25 dito ay mga babae na nasa age na 20 to 30 years old. Sinundan naman ito ng mga Japanese mismo.

Kung saan nila nakikita ang mga drugs na ito naman, pinakamarami ang mga naglalagay sa loob ng suit case na meron 61 cases, then sinundan naman ng mga hand carry object tulad ng mga bags at mga omiyage na meron 34 cases. Then sinundan ito ng mga cases na nahuli kung saan ang drugs ay nilalagay o tinatago sa loob mismo ng katawan na meron 20 cases. Then last ay sa mga damit at sapatos naman na meron 11 cases.

Sa 20 cases nilang nahuli kung saan ang drugs ay nilalagay sa loob ng katawan, 12 sa mga ito ay mga Thailander at 3 ay mga Pinoy ayon sa statistic report nila. Ang mga drugs na ito ay kadalasang nilalagay sa loob ng kanilang ari, sa pwet at maging sa mga breast na ino-opera pa. Meron ding nilulunok ito.

Ayon sa MOJ, nagiging trend ngayon ang pag smuggle ng mga drugs sa pamamagitan ng pagtago nito sa loob ng katawan dahil hindi daw ito maaamoy ng mga asong ginagamit nila sa pagsisiyasat. Subalit ito ay napakadelikado dahil kapag nasira or nabutas ang lagayan nito at dumaloy sa katawan ng smuggler ang drugs, maaaring ikamatay nya ito sa shock na aabutin nya.