malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)




Mag-asawa, at dalawang anak, nakitang patay sa isang park (07/24)
3 Pinoy at isang hapon huli sa pagbibigay ng work sa refugee applicant (07/24)
5 Pinoy, huli sa illegal na door to door remittance service (07/24)
Iniwang baby na namatay, heat stroke ang cause of death (07/20)
Taxes for travelers palabas ng Japan, maaaring ipa-implement soon (07/19)


Sakit na RINGO BYOU, dumarami ang biktima hindi lang bata pati rin matanda

Jan. 28, 2016 (Thu)


SBI Remit, for faster remittance service to the Philippines.


Ayon sa news na ito, dumarami ngayon ang nagkakaroon ng sakit na tinatawag na RINGO BYOU dito sa Japan mula ng pumasok ang month of January. Ang sakit na ito ay kadalasan lang na makikita sa mga bata, at tinatawag na RINGO (APPLE) BYOU dahil sa namumula ang pisngi ng meron nito na parang kakulay ng apple.

Ayon sa data na nilabas ng National Institute of Infectious Diseases of Japan, meron silang naitalang 98,500 katao na pasyente ng sakit na ito for last year 2015 at pinakamataas ito sa data na kanilang nakuha for 10 years span. At ngayong buwan ng January, tumaas daw muli ito.

Magkakaroon ng lagnat, sipon at ubo ang merong sakit nito at mamumula nga ang pisngi na syang malaking palatandaan. Sa ngayon marami na ring matatandang nagkakaroon nito at mas malala ang nagiging epekto ayon sa balita. Madalas na nagkakaroon ng pananakit sa mga joints ng buto nila bilang palatandaan.

Pinag-iingat ng agency lalo na ang mga buntis dahil malaki raw ang possibility na makunan or mamatay ang batang dinadala dahil sa virus ng sakit na ito. Umaabot sa 70% ang possibility na makunan or mamatay ang bata ayon sa data nila.


For your TAX REFUND (Income & Residence Tax), apply now at P&G Company Office.